^

PSN Showbiz

Bona, napapanood sa cannes classics

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bona, napapanood sa cannes classics
Nora Aunor and Phillip Salvador.
STAR/ File

Alinsunod sa mandato nitong i-promote ang pelikulang Pilipino sa global audiences at magbigay ng tuluy-tuloy na suporta sa mga promising Filipino talents, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nagkaroon delegasyon sa Marché du Film kasabay ng 77th Cannes Film Festival na nag-umpisa noong May 14 hanggang May 25, 2024.

Tulad ng dati, ang FDCP ay nagbibigay ng suporta sa mga Filipino filmmakers at production companies sa pagpapalabas ng kanilang mga pelikula at proyekto sa Marché du Film, kung saan ang mga delegadong Filipino can cultivate connections within the international film industry.

The Philippines is also represented by visionary Filipino films, projects, and filmmakers at the prestigious Cannes Film Festival.

At kabilang dito ang pelikulang Bona, sa Cannes Classics.

Naipalabas na ang Bona sa Cannes Filmfest, Cannes Directors’ Fortnight in 1981.

Obra ito nang namayapang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Lino Brocka which was restored in 4K by Carlotta Films and Kani Releasing.

Pinagbibidahan ito ng National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor and Phillip Salvador, at umiikot ang kuwento ng Bona sa isang young, starstruck schoolgirl who falls in love with an aging actor and becomes his servant. At nang magpasya siyang iwan nito, ang maamong maliit na si Bona ay naghiganti.

Hindi naluma ang istorya ng Bona, nagkaedad lang talaga ang mga artista.

Marami pang mga kuwento na ganito ang plot na napapanood natin hanggang ngayon.

Pero mas bongga kung marami pa tayong ibang pelikula na bago na pwede sa ibang event sa Cannes.

vuukle comment

FDCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with