^

PSN Showbiz

Alden, pwede rin kay Andrea!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, pwede rin kay Andrea!
Alden Richards.
STAR/ File

Hindi ko akalain na magiging exciting ‘yung pagli-link kay Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Nung una ay hindi gaanong pinapansin pero habang tumatagal nagkakaroon na ng ingay at excitement sa marami.

Kaya masarap na single ka at walang commitment dahil kahit kanino puwede kang ipareha.

Kaya siguro hanggang ngayon mas gusto ni Alden na maging single muna. Tingnan mo puwede siyang ipareha sa sinumang single rin na babae.

Saka hindi naman dapat magmadali lalo pa nga at successful naman ang career mo, guwapo ka at wala namang expiration date ang isang lalaki.

Si Noynoy Aquino hindi nag-asawa pero naging achiever naman. At hanggang sa huli hindi nalimutan ‘yung mga romantic linking niya.

Kaya naman dapat huwag magpa-pressure si Alden sa mga mapilit na magkaroon na siya ng lovelife. Kung wala pa siyang mapili ok lang, no rush. Hindi kailangang magmadali.

Pinaka-number one pa ring good catch si Alden among all bachelors. Guwapo, bata, financially stable at popular. Talagang kahit sinong piliin niya magiging big news at kaiinggitan ng lahat.

Kung puwede nga lang sana na ‘yung favorite ladies ko ang piliin ni Alden, naku magiging very happy ako.

Imagine mo kung sina Andrea Brillantes, Belle Mariano at Jane de Leon ang maging choice niya, bongga ‘di ba!

Pangarap lang po, huwag maging violent ang reaction. Basta kung sinong piliin ni Alden, go go, boto ako, promise.

‘Sweet at sincere’

Naku meron na namang ayudang ipinadala ang pinaka-love namin na si Rhea Tan ng Beautederm.

Talagang mga anik-anik na pasalubong galing sa Singapore na talagang na-appreciate ko dahil alam mo ang time at effort na binigay niya para mabili ang mga iyon.

Kaya naman talagang masasabi ko na karapat-dapat talaga na mahalin ang isang tulad ni Rhea Tan na napaka-sweet at sincere.

Hindi ko akalain na maiisip pa niyang ibili ako ng pasalubong samantalang sandali lang siya sa Singapore. Bongga talaga.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with