^

PSN Showbiz

Dingdong, diretsahang sinagot ang anak sa labas

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, diretsahang sinagot ang anak sa labas
Dingdong Dantes.
STAR/ File

Muling pumirma ng kontrata si Dingdong Dantes sa GMA noong Huwebes. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan ng Kapuso network. “Overwhelmed ako sa mga kaganapan. Napakasaya ko lang, napakasaya ng puso ko dahil finally ay magkakroon na naman ng bagong chapter ang aking professional and personal career. I say personal life dahil naging bahagi na talaga ng buhay ko ang GMA, 26 years. Grateful ako na nabibigyan pa rin ako ng pagkakataong gawin the things I love to do. Na-realize ko ito no’ng unang sumalang ako sa entablado ng GMA when I was a dancer, 16 (years old). Sabi ko, ito ang gusto kong gawin. Mahal ko ang trabahong ito at 16 kaya thank you for giving me that opportunity,” pagbabahagi sa amin ni Dingdong sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi naging madali para sa aktor ang kanyang mga pinagdaanan sa show business sa halos tatlong dekada. Mayroong mga pagkakataong hindi alam ni Dingdong noon kung saan patungo ang kanyang karera. “Maraming-maraming pagkakataon, tito Boy. And I think mahalagang-mahalaga ‘yung mga gaps na ‘yon. Gaps wherein hindi klaro sa iyo kung ano ang gusto mo at kung ano ang kaya mong ibigay at hindi rin klaro kung ano ang gusto ng mga manonood at that time. Maganda ‘yung may gano’n eh. It will challenge you to improve yourself more as an actor. Kung nag-give up ako baka hindi ko nagawa ang mga gusto kong gawin,” paliwanag niya.

Kinikilala ngayon si Dingdong bilang Primetime King ng GMA at Box-Office King dahil sa tagumpay ng pelikulang Rewind sa Metro Manila Film Festival 2023. “I don’t see it that way. Sa oras na gano’n ang aming mindset, narating ko na siguro ‘yung aking nais marating. Titigil na kasi ‘yung room for growth, wala ka nang lalakbayin. For me kasi as an artist marami ka pa dapat pagkakataon na gusto mong mag-improve. Kasi hindi naman matatapos ‘yon eh. ‘Yon ang kagandahan sa trabaho natin, Tito Boy. Constantly, you can still improve. I’ve seen both sides of the spectrum. Nanggaling ako sa hindi kumita, nakita ko ‘yung kumita. Ang mahalaga doon eh ano ba ‘yung constant? What remains, kung ano ‘yung consistency mo to produce quality materials. Hindi dapat tumigil ‘yan whether sa failure, or nandito ka sa success,” makahulugang paglalahad ng aktor.

Samantala, binigyang-linaw ng aktor ang mga bulung-bulungan na diumano’y nagkaroon ng anak kay Lindsay de Vera. Mahigit apat na taon na ang nakalilipas nang unang pumutok ang balita tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng aktres. May mga pagkakataong tinatawanan na lamang ni Dingdong at asawang si Marian Rivera ang tungkol sa isyu. “Wala po, hindi po totoo. Sa totoo lang nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba or may sasabihin ba ako about the topic kasi baka tanungin n’yo ngayon, at tinanong mo nga. Para sa akin, may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa akin. And because I have my responsibilities sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito sa akin. I have a responsilbility sa aking pamilya to clear things like this because I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I am saying that it is not true. Sa totoo lang noong una, pinagtatawanan lang namin eh, kami ni Marian pinagtatawanan namin siya. ‘Paano nagkaroon ng ganito?’ Natural lang na may mga nagtatanong sa akin. Once and for all, I am clarifying na hindi siya totoo. First time ko mapunta sa ganitong sitwasyon. I’m okay that I cleared it, dahil mahal ko ang pamilya ko, kailangang klaro ‘yung mga bagay na ganito,” paglilinaw ni Dingdong.

Magsasampung taon nang kasal sina Dingdong at Marian. Ayon sa aktor ay talagang para sa pamilya ang lahat ng kanyang mga ginagawa sa buhay. “Ngayon kasama ko na sila, bitbit ko na sila sa lahat ng desisyong gagawin ko sa buhay. Gusto ko pagdating ng panahon sa bawat gawin ko, sa telebisyon man ‘yan o pelikula, maging proud sila sa trabaho ng kanilang ama,” giit ng GMA’s Primetime King.

Kahit abala sa kanya-kanyang trabaho ay sinisikap umano ng aktor na magkaroon palagi ng oras para kay Marian. Mahalaga para kay Dingdong na palagi silang nakapag-uusap ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DINGDONG DANTES

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with