Angeline, sinakay sa viral trend ang gender reveal ng second baby

Angeline Quinto, Nonrev at Sylvio

May pa-gender reveal si Angeline Quinto sa second baby nila ng mister niyang si Nonrev Daquina. “It’s a girl,” ang nakalagay sa dulo ng kanyang entry sa viral trend na Piliin Mo Ang Pilipinas.

Alam na raw ng ilang close friends ni Angeline na preggy na ulit siya pero hindi agad inilagay sa social media.

Two weeks ago nang ikasal sila sa Quiapo at hindi pa nahalata ang kanyang tiyan.

Pero sa nasabing video ng Piliin Mo Ang Pilipinas, parang biglang lumubo ang singer.

Apaw naman ang mga nag-congratulate sa singer at mister.

More a year old pa lang ang eldest son nila ng mister.

Show comments