^

PSN Showbiz

Arnold Clavio, nagkaroon ng bagong pag-asa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Arnold Clavio, nagkaroon ng bagong pag-asa!
Lolit Solis at Arnold Clavio

Grabe, tuwang-tuwa si Arnold Clavio nung nagkita kami last Monday sa bangko.

Ramdam ko talaga ang sincerity niya nang kumustahin niya ang kalagayan ko.

Sabi nga ni Arnold, tama ka Salve, positibo at masaya ang aking mga pananaw sa buhay kahit pa nagda-dialysis ako ng twice a week.

Tinanong niya rin ako kung bakit hindi ako magpa-kidney transplant .

Sagot ko, may donor pa sana courtesy of Sen. Bong Revilla, pero ako na ang tumatanggi.

Sabi ko nga kay Arnold, ‘bonus’ na nga itong buhay ko na umabot sa edad na 77 at nagpapasalamat ako sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya.

Nakakahawa raw ang positive energy ko.

Huling banggit niya, ‘Nay, palakas ka . Matagal ka pa !’

Hahaha.

Pareho kaming diabetic ni Arnold kaya may baon siyang bagong pag-asa para sa kanyang hinaharap nung maghiwalay kami.

Aniya “Bitbit ko ang mas dobleng pag-iingat sa aking kalusugan dahil pareho kaming diabetic.”

 Si Arnold ay isa sa mga celebrity na talagang napakabait at hindi nagbago kahit pa nga sabihin mo na malayo na ang nara­ting sa kanyang career sa larangan ng pagbabalita.

Mula pa nun very sweet na at approachable si Arnold kaya naman marami siyang friends na showbiz writers kahit pa nga hard news ang kanyang hawak.

Natutuwa kami na makitang very healthy at strong si Arnold kahit pa nga kung minsan talagang very tiring ang kanyang trabaho.

Isang bagay na alam namin hindi mo puwedeNG ilagay si Arnold sa kontrobersiya dahil sure na maraming magtatanggol sa kanya.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with