Daniel at Zanjoe, ‘di na maglalaro sa All Star Games...

Daniel Padilla at Zanjoe Marudo

Totoo bang hindi na maglalaro sina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo sa darating na Star Magic All Star Games sa Araneta Coliseum sa June 2?

Bakit? Busy siguro sila sa mga personal na buhay? O baka naman mainit lang talaga, at mahirap nang maglaro?

Jericho, susubok matuto sa cannes

Balitang papuntang Cannes si Jericho Rosales at gusto raw talaga niyang matuto sa pagpoproduce ng pelikula.

Magaling!

Parang ang dami nang gustong gawin ni Echo ‘no?

May bago siyang teleserye na nagsimula nang i-shoot sa Atok, Benguet with Jodi Sta. Maria.

Tuloy kaya ang pelikula nila ni Jennylyn Mercado for the MMFF? Wait and see tayo dyan!

Napakasakit sa fans ng Diamond Star Maricel Soriano ang makita ang idolo nila na iniinterrogate sa Senado.

Ang tanong ng mga walang malay na tagahanga, paano humantong si Marya sa ganito?

Hindi ba napagwagihan na niya ang ganitong pagsubok?

Bakit kailangang balik-balikan pa ito?

Hilda Koronel, plantsado na ang trabaho pagbalik ng ‘Pinas

Tuloy na ba talaga ang pagbabalik pelikula ni Hilda Koronel dito sa Pinas?

Exciting kasi totoo ba na may natanguan na siyang mga project - at ang isa roon ay magtatampok sa kanya kasama sina Bela Padilla, Carlo Aquino at sana si Iza Calzado?

Si Adolf Alix ang napipintong director under Ten17 Productions.

Isang malaking film event ang pagbabalik ng isang Hilda Koronel kung sakali.

FAMAS nominees, kakaiba

Lumabas na ang FAMAS nominees at tanggap naman natin na iba-iba ang panlasa ng mga jury pero sadya bang i-snob ng FAMAS ang Firefly at About Us But Not About Us for Best Picture and other important awards?

At mas pinaboran pa nila ang performance ni Romnick Sarmienta sa Becky and Badette kaysa sa Summer MMFF award winning performance niya?

Talaga ba FAMAS?

Nakakata-quote:

“Marami kaming gagawin in the future. Kung wala man, magwawala ako.” - Maris Racal , on her screen team up with Anthony Jennings called “MaThon”

Show comments