^

PSN Showbiz

Ronnie, pakakasalan na si Loisa!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ronnie, pakakasalan na si Loisa!
Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
STAR/File

Magwawalong taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Sa mga nakalipas na taon ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ang dalawa. Para kay Loisa ay kinakailangang magkasundo sa lahat ng bagay upang magtagal ang isang relasyon. “Dapat naggu-grow kayo together. Sinusuportahan n’yo ‘yung isa’t isa sa pangarap niya. Hayaan mo siyang lumipad at ikaw din. Huwag n’yong ikukulong ‘yung isa’t isa. Partnership talaga,” makahulugang paliwanag ni Loisa.

Mahalaga naman para kay Ronnie na napag-uusapan at napaghahandaan ng mga magkasintahan ang magiging kinabukasan. “Sa totoo lang, ilang beses ko na siyang sinasabi, respeto sa desisyon n’yo sa isa’t isa. Bukod do’n, ay ‘yung plano n’yo sa buhay, ano ‘yung future n’yo. Kasi once na pinag-uusapan n’yo ang future, do’n mo makikitang seryoso ‘yung partner mo. Hindi ‘yung masaya lang sa ngayon. Dapat may plano sa negosyo, sa future n’yo sa bahay, sa kasal. Kung hindi n’yo pinag-uusapan ‘yung mga bagay na para sa future, wala, siguro maghihiwalay din kayo. Dapat hindi nila iniisip na ang relasyon ay laging masaya. Walang perfect na relasyon,” pagbabahagi ni Ronnie.

Kahit napag-uusapan na ang tungkol sa kasal ay hindi naman umano nagmamadali ang magkasintahan na isagawa ito. “Kaya ako pumapasok sa relasyon kasi siya na ‘yung gusto kong makasama,” giit ng aktor.

“Pinag-uusapan naman siyempre. Pero nandito pa ‘yung negosyo, nagtatrabaho pa kami, marami pa kaming responsibilidad sa family namin, sa sarili rin namin na marami pa kaming gustong gawin. Madali na ‘yung kasal lalo na kung sobrang stable n’yo na. May peace of mind ako sa kanya. Ayaw na namin ng stress kasi ang hirap ng buhay. Kaya dapat kami na ang nagbibigay ng kasiyahan sa isa’t isa,” dagdag naman ng dalaga.

Andrea, intense ang haharapin sa High…

Simula May 13 ay mapapanood na ang High Street na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes. Sinisiguro ng aktres na talagang malaki na ang kaibahan ng naturang sequel ng naunang iWantTFC series na Senior High. “Sa Senior High nasa school pa kami pero sa High Street po is after college. So medyo intense po ‘yung haharapin naming challenges. Pero at the same time mas mature na rin kami,” paglalahad ni Andrea sa ABS-CBN News.

Umaasa ang dalaga na maraming makare-relate sa kanilang bagong serye lalo na ang mga katatapos pa lamang ng kolehiyo. “Lahat tayo mayroong dreams na tina-try ma-reach pero ‘yung reality sa bansa, mahirap siya. Sabay-sabay din tayong natututo rito, habang natututo sila, makikita rin nila na hindi talaga lahat after college, after school ay perfect,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with