^

PSN Showbiz

Claudine, tuloy pa rin ang chika tungkol kay rico

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Napakahirap ba para kay Claudine Barretto na itikom na lang ang kanyang bibig kapag tungkol kay Rico Yan ang pinag-uusapan?

Ano ang saysay ng pagbibigay na naman ng ilang detalye tungkol kay Rico sa Ad Congress kung ang gusto ni Claudine ay protektahan ang pangalan nilang dalawa ni Rico?

Sana nga makatulong itong bagong rebelasyon na ito sa pagpapaka-active ni Claudine sa showbiz muli.

Rita, ‘di nauubusan ng kaaway!

Finally, nabigyan ng platform si Rita Avila para magsabi ng kanyang saloobin sa mga sinasabi sa kanya!

In fairness, may punto naman siya. Pero bakit kaya hindi siya sakay ng mga tao?

Bakit parang lagi siyang may kaaway? Mag-isip naman. Magka-puso naman.

Ang sagot tuloy sa kanya, so ikaw na lang ang nag-iisip? Ikaw na lang ang may puso?

Talaga bang nakakairita si Rita? Hindi naman yata!

Pelikulang naligwak nina Coco at Julia, ‘di na sumubok sa sinehan

Number 1 na sa Netflix ngayon ang Pula na pelikula nina Coco Martin at Julia Montes na kasama sa sinubmit sa last December Metro Manila Film Festival pero naligwak.

Pero bakit kaya hindi na ito nakipagsapalaran sa pagpapalabas sa mga sinehan?

Mababawi kaya ang puhunan nito kahit sa streaming platform na lang ipinapalabas?

Well, the audience will go where your content caters to them?

Kathryn, mas pinaboran kesa kay Julia!

Teka, speaking of Julia Montes, bakit kaya hindi siya pinaboran ng Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards para maging Box Office Queen gayung si Alden Richards ang Box Office King for their film Five Breakups And A Romance?

Bakit si Kathryn Bernardo ang pinaboran nila sa Box Office Queen category (for A Very Good Girl)?

Mukhang kailangang i-explain at linawin ng pamunuan ng Guillermo ito.

Nakakata-quote:

Si Cassy na ba? Michael, inaming may lovelife!

“Don’t look for love. Let love find you. Yes, may lovelife ako ngayon.” – Michael Sager

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with