^

PSN Showbiz

Paulo, matagal nakapag-adjust kay Kim

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo, matagal nakapag-adjust kay Kim
Paulo Avelino.
STAR/ File

Hindi naging madali para kay Paulo Avelino ang trabaho sa What’s Wrong with Secretary Kim na pinagbibidahan nila ni Kim Chiu. Nahirapan umano ang aktor sa pagpapalit ng kanyang karakter mula sa Linlang bilang si Victor at ngayon naman ay bilang si Brandon sa bagong serye. “It wasn’t wasy. It took some time for me to adjust. I haven’t done a rom-com in a while or something funny. So, it took a lot of time which I wished I had more a lot of effort. I’m thankful to people behind Secretary Kim ‘coz they were very supportive, and also Kim. May mga preparations na minsan hina-hype ko na rin ‘yung sarili ko pagdating ng jokes. Nagbabaon na ako ng jokes, nagjo-joke na rin ako sa set kaya nagugulat sila,” kwento ni Paulo sa YouTube channel ni Luis Manzano.

Matatandaang si Kim din ang nakatambal ng aktor sa Linlang. Para sa aktor ay talagang malaki ang pagkakaiba ng mga ipinakita ni Kim sa dalawang serye. “May mga adjustment sa start then eventually mas nakukuha na namin ‘yung vision ng director at mga showrunners namin. Mas nabibigay na namin nang tama ‘yung mga gusto nila. It was a very drastic change because Linlang was really so heavy. Kasi it tackles adultery and may mga bata na involved, hindi siya madali. ‘Yung professionalism ni Kim, it was something else. She works fast on the set. Sa Linlang, hindi talaga namin in-expect kasi it was really night and day especially sa aming mag-asawa,” paliwanag niya.

Lubos ang pasasalamat ni Paulo sa lahat ng mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa tambalan nila ni Kim. Ginagawa raw ng aktor ang lahat ng makakaya upang mapasaya ang lahat ng sumusuporta sa tambalang KimPau. “I’m very appreciative. To be honest, for them to keep on posting, keep on editing stuff, keep on tweeting. That takes time and effort and I appreciate the time and effort. Whatever I can give back, in ways I can, in my performance, I tried to do my best, maximize it for them,” pagbabahagi ng aktor.

Pepe, naimpluwensyahan ni Dolphy

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Bantay-Bahay na pinagbibidahan ni Pepe Herrera. Taong 2021 pa umano nang mag-shooting ang aktor para sa naturang proyekto mula sa Regal Entertainment. “Sobrang saya, ang tagal naming hinintay eh. Nasa isip naming palagi kailan kaya ipapalabas. So ito finally ipapalabas na. I’m just very grateful na maibabahagi na namin ‘yung gawa naming pelikula,” nakangiting bungad ni Pepe.

Si Jose Javier Reyes ang sumulat at nagdirek ng bagong pelikula. Isang masayang karanasan para kay Pepe na makatrabaho ang batikang direktor. “Looking forward ako na makatrabaho siya ulit. Kasi paulit-ulit kong sasabihing the best system that I’ve experienced so far. Hopeful ako na madaming companies na mag-a-apply ng sistema. Pre-prod is everything. ‘Pag matino ang pre-prod mo, smooth sailing sa lahat,” giit ng aktor.

Nahasa ang galing ni Pepe sa pagpapatawa dahil sa kanyang iniidolo noon na si Dolphy. Malaki ang naging impluwensya ng namayapang Hari ng Komedya kay Pepe pagdating sa trabaho. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong namang makatrabaho ni Pepe ang isa pang magaling sa komedya na si Empoy Marquez. “Si Empoy hindi ko pa nakakatrabaho sa isang pelikula. I would like to do a comedy film na sama-sama kaming mga komedyante,” pagtatapos ng komedyante. (Reports from JCC)

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with