Angeline Quinto ikinasal sa non-showbiz jowa; Erik Santos 'ring bearer'

Angeline Quinto has tied the knot with her non-showbiz boyfriend Nonrev Daquina
Screengrab from Erik Santos' IG story

MANILA, Philippines — Nakipag-isang-dibdib na ang OPM singer na si Angeline Quinto sa kanyang bufrang si Nonrev Daquina ngayong Huwebes.

Kasama ang anak nilang si Sylvio, ikinasal sina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church sa Maynila na siya namang dinaluhan ng sari-saring personalidad sa showbiz industry.

Ang matindi pa, ginulat ni Angeline ang fans nang bigla niyang i-launch ang kanyang bagong single na "Salamat Ika’y Dumating" kasabay ng petsa ng kasal.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabing si Vice Ganda ang nagsilbing man of honor ng kasal. Naging flower girl naman ang singer-actress na si Sarah Geronimo habang ring bearer naman ang drama ng mang-aawit na si Erik Santos.

Nagkaroon si Angeline at Erik ng short-lived relationship, bagay na pinanghinayangan noon ng female singer.

Kabilang sa mga tumayong ninong at ninang sina Manila Mayor Honey Lacuna, Zsazsa Padilla, Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Martin Nievera, Regine Velasquez, ABS-CBN TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, Vicky Belo, atbp.

Ipinanganak ni Quinto ang una nilang anak na si Sylvio noong ika-27 ng Abril. Hinango ang pangalan ng bata sa ina ni Angeline na si Sylvia Quinto. Matatandaang na-engage ang mag-asawa noong Setyembre 2022. — may mga ulat mula kay Jan Milo Severo

Show comments