KC, sinagot ang breakup sa fil-swiss bf!

KC Concepcion at Mike Wüthrich

Pinakita ni KC Concepcion ang kanyang birthday salubong sa kanyang vlog.

Thirty-nine years old na nga ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at sobrang saya raw niya.

Present ang mga kaibigan at ilan sa miyembro ng pamilya niya sa nasabing salubong na ginanap sa kanyang bahay na Casa Kristina.

Samantala, absent ang Filipino-Swiss boyfriend ni KC na si Mike Wuethrich sa birthday salubong nito pero nagpadala raw ito ng flowers at sweet card all the way from Switzerland.

Special mention pa nga ang kanyang boyfriend na tinawag niyang Swizzy na tila kanyang endearment doon at sinabing “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”

Tila ito ang sagot ni KC sa kumakalat na balitang hiwalay na sila.

Matapos ang ilang araw ng kanyang birthday celebration ay ang Swizzy naman niya ang nagselebreyt ng birthday at nag-post siya ng pagbati rito.

“happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two. i enjoy every adventure you take me to and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. i enjoy your smile when i see it so keep smiling!” bahagi ng kanyang mensahe kay Mike.

Tutuloy na kaya sa kasalan ang relasyon nila ngayong 39 na si KC? Bongga.

Show comments