Jiro Manio, naibenta ang best actor trophy ng P75K

Jiro Manio

MANILA, Philippines — Grabe, pati pala best actor trophy, naibenta na ng former child actor na si Jiro Manio.

Binenta niya ito sa vlogger / collector Pinoy Pawn Stars with Boss Toyo sa halagang P75,000.

Imagine ang unang asking prize niya ay half a million pero tinawaran ito ng P50,000 pero natapos sa P75,000.

Napanalunan niya ang trophy sa pelikulang Magnifico sa Gawad Urian noong 2004. Nanalo naman siya noong Best Child Actor sa FAMAS.

May mga tumulong naman noon kay Jiro, nung time na nagpakalat-kalat siya sa airport.

Pina-rehab siya pero sa tuwing makakalabas ay wala naman daw pagbabago.

Nag-umpisa ang lahat nang masangkot siya paggamit ng droga.

Bukod sa drugs, inamin din nitong nagkaanak siya sa edad na 15.

Sa ngayon ay isa siyang volunteer counselor sa DOH Treatment and Rehabilitation Center-Bataan.

Nauna nang sinabi ni Jiro na “Hindi ko po ma-appreciate nung una na may mga award ako. ‘Tapos ito lang nung huli, naisip ko, nung napapabisyo-bisyo ako, naisip ko, ‘May mga trophy ako sa bahay, a, para saan kaya yun?’

“Tapos, parang may bumulong sa akin na, magagamit ko ‘yun na katibayan bilang artista. Kahit saan ka mapunta, nakalagay na sa history na ikaw ang pinakabatang nanalo ng award. Tapos ‘yun natauhan na ako, na-touch na ako no’n. Na-realize ko na, ‘Oo nga sa ‘kin nga ‘yun, nakuha ko ‘yun dahil pinaghirapan ko.”

Pero iba na ngayon, naibenta na niya.

Show comments