Ronaldo Valdez 'crime scene' video kumalat, 2 parak sinibak
MANILA, Philippines — Sinibak sa pwesto ang dalawang kawani ng Quezon City Police District (QCPD) matapos kumalat ang video ng brutal na pagkamatay ng aktor na si Ronaldo Valdez.
Ito ang ibinalita ng GMA News ngayong Miyerkules ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).
Kinakastigo ngayon ng netizens bilang kabastusan ang pagkalat ng naturang video, bagay na naglalaman kung paano nadiskubre ang pagkamay ng beteranong aktor.
Lumabas ang video kahit na humiling si Janno Gibbs, anak ni Ronaldo, ng privacy ang kanilang pamilya tungkol sa sinapit ng ama.
"It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you request our privacy in this grieving moment," pagkukumpirma ni Janno.
"Your prayers and condolences are much appreciated."
Una nang naiulat na natagpuan si Ronaldo habang nakaupong may hawak na baril. Dahil sa tama ng bala sa ulo, idineklarang dead-on-arrival sa St. Luke's ang artista.
Nangako naman ang QCPD na magkakasa sila nang malalimang imbestigasyon sa krimen at titiyakin ang puno't dulo nito.
___
If you or someone you know needs assistance, contact the National Center for Mental Health Crisis Hotline at +63 917 899 8727 and 7989 8727.
- Latest