MANILA, Philippines (Updated 8:20 p.m.) — Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.
Ang balita ay kinumpirma ngayong Martes sa dulo ng broadcast ng "24 Oras." Yumao siya ngayong araw, ika-29 ng Agosto.
Related Stories
"Malungkot pong ibinabalita ng GMA Network ang pagpanaw ng aming minamahal na Kapuso at kaibigan na si Mike Enriquez. Siya po ay 71 taong gulang," ulat ng mangiyak-ngiyak na si Mel Tiangco.
MANILA, Philippines — Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.
Ang balita ay kinumpirma ngayong Martes sa dulo ng broadcast ng "24 Oras."
Ngayong hapon lang nang mag-Instagram reel ng kandilang may itim na background ang kapwa niya Kapuso news anchor na si Arnold Clavio.