Na-bash si Sen. Sherwin Gatchalian at nag-trending si Bianca Manalo kahapon sa sagot ng senador nang tanungin siya ng opinion tungkol sa ginawa ng China Coast Guard laban sa maliit at kumbaga ay walang armas na sasakyang pandagat ng bansa na pinamamahalaan ng Philippine Navy na patungo sa Ayungin Shoal outpost nito.
May sinagot ang senador ng “Marami.
“Baka may suggestions ka. Baka lang,” tungkol sa hinihingi sa kanyang opinion na mainit na pinag-uusapang pangyayari.
Sumagot ulit ang netizen na isang pari at sinabing “Sample nga po marami?
“People are asking sir because you have no action,” sabi ng X user sa diumano’y pambu-bully ng China.
“Trabaho po tayo ha! Opo! Work po!”
Dito na sinagot ng senador ng “Puro trabaho na nga eh for 23 years. Wala ng love life.”
Ayun na, naglabasan na ang mga resibo sa relasyon nila ng dating beauty queen and actress na si Bianca Manalo. Paano raw nangyari na wala itong lovelife? Ang chika engaged na nga sila kaya maraming umalma. Chill lang naman ang senador sa mga basher at sinasagot ang iba.
Or baka naman joke niya lang ‘yun.
Anyway, dati pang napabalita na ikakasal na nga sila.