^

PSN Showbiz

Pag-uusapan mula Aparri hanggang Jolo...longest-running tv show may malaking pagbabago, big boss pinatalsik!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga araw na ito ay bubulaga ang isang pasabog na balita tungkol sa isang longest-running show sa kasaysayan sa telebisyon.

Kung matutuloy ang malaking pagbabago, tiyak na pag-uusapan ang isyung ito mula Aparri hanggang Jolo.

Nung nakaraang taon pa ay nababalitaan na nagkaroon ng revamp sa mga taong namamahala sa produksyon ng programang ito.

Pinag-initan daw ang big boss nito, at ang latest na nabalitaan namin ay tuluyan na siyang pinatalsik.

Kamakailan lang ay kinausap na ang lahat na mga taong involved sa programang ito, para sabihing iba na ang mamamahala sa kanilang programa.

E well-loved itong dati nilang boss at isa sa iginagalang sa entertainment industry.

Pero maraming mababago, kasama na rito ang pamamaalam ng ilang mga taong napapanood natin sa programang ito.

Mapapanood pa kaya natin ang ilang mga itinuturing na poste sa longest running show?

Siyempre mananaig dito ang loyalty, gratitude, tunay na pagkakaibigan, pagmamahal sa trabaho at commitment sa mga manonood.

Kaya abangan na lang natin ang mahalagang announcement sa malaking pagbabago sa programang tinutukoy namin.

Ate Vi, pinagdarasal si Nora!

Excited at ganadung-ganado na si Vilma Santos na bumalik sa showbiz, kaya pinag-aaralan na niya ang mga script na binibigay sa kanya.

Sisimulan na nga niya ang love story na movie na gagawin nila ni Christopher de Leon sa Japan.

Bandang mid of March ay pag-uusapan na rin nila ni direk Erik Matti ang gagawin nilang pelikula, at meron na rin siya sa Star Cinema.

Sabi pa ni Ate Vi, balak na rin daw niyang pasukin ang pagdidirek. Pero unahin muna niya ngayon ang pag-aartista.

Ang isa raw sa wish niyang gawin ay ang pelikula tungkol sa buhay ng isang Muslim.

“Parang ‘yun ang isa kong gusto kong magawa… ‘yung kultura ng mga Muslim. Parang may excitement ako dun,” pakli ni Ate Vi nang nakatsikahan namin sa press launch ng Angkas.

Bukas din siya sa posibilidad na makasama uli ang mga kasabayan niyang magagaling na aktres kagaya nina Gina Alajar, Amy Austria, Jaclyn Jose at siyempre Nora Aunor.

Kinuwento namin kay Ate Vi ang pelikulang Pieta na prinodyus ni Alfred Vargas kasama sina Ate Guy, Gina, Jaclyn at pati pa si Bembol Roco.

Sabi ni Ate Vi, gusto rin daw niyang makasama ang mga nabanggit na artista.

“Hindi na ito ‘yung pa-cute noon e. Ang kailangan sa edad namin ngayon, naghahanap na ng good project. Hindi ba? Para maging interesado naman sa audience. Hindi ganun kadali, pero ‘pag meron, I’ll grab it.”

Napag-usapan na rin lang si Ate Guy, binanggit ni Ate Vi na isa siya sa nag-aalala nang nabalitaan niyang nagkasakit ang Superstar.

Kinuwento nga ni Nora sa Fast Talk with Boy Abunda na naranasan daw niyang namatay ng tatlong minuto, at nakarating din ito sa Star For All Seasons. “Kahit sabihin mong may mga ganyang rivalry, I mean she’s still a friend. In fact, there was a time na sana paplanuhin ko na dumalaw, just to check on her. Pero I think, she’s getting better and I am happy for that. Sa totoo lang, I prayed for her,” seryosong pahayag ni Vilma Santos.

Aminado siyang nandiyan pa rin ang rivalry sa kanilang dalawa, pero mas nanaig ang kanilang pagkakaibigan at magkakumare.

Tinanong din namin siya tungkol sa parangal na National Artist na iginagawad kay Ate Guy.

Umaasa din ba siyang mapaparangalang National Artist?

“If it’s for you, it’s meant for you. ‘Pag hindi napunta sa ‘yo, it’s not meant for you. So, dun sa hindi nabigyan, it’s not meant for them. Like ‘yung kay Ate Guy. So, kung meron akong space diyan, darating ang panahon na ‘yun para sa akin na ‘yun,” tugon ni Ate Vi.

 

 

 

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with