Direk Darryl Yap, nagwala, sumabog ang galit sa Viva!
MoM gustong putulan...
Naku, Ateng Salve, wala akong masabi sa pagiging controversial ni Direk Darryl Yap, huh!
Pinag-uusapan pa rin ang quotable quotes na pinakawalan niya sa media conference ng Martyr of Murderer ng Viva Films at kagabi nga, laman na naman siya ng social media dahil sa ipinost niya tungkol sa kanilang pelikula.
Actually, “sumasabog” sa social media ang post niya tungkol sa meeting niya sa mga taga-Viva Films dahil ipinipilit daw ng production company ni Boss Vic del Rosario na tanggalin ang sequence na dalawang oras na niyang ipinaglalaban.
Marami nga ang naloka sa sinabi niyang, “Tanggalin na rin nila ako. Wag nyo na ipalabas kung di kasama. Kapagod. Tang i_a. Gusto ko lang magkwento, may ebidensya, may source, may basis!
“I DON’T WANT A DIRECTOR’S CUT. MARCH 1 must contain the ONLY CUT. GOD! #MoMNOCUTS.”
Nalaman ko nga lang ang tungkol doon nang mag-left sa Viber chat group namin ng mga taga-Martyr or Murderer (na dati ring chat group ng mga involved sa Maid in Malacañang) at nag-message ako sa kanya sa Facebook Messenger kung bakit siya umalis doon?
Ipinadala na lang sa amin ni Direk Darryl ang tungkol sa posting niya.
Hindi na nagsabi pa ng kahit ano ang direktor. Obvious na iritable siya sa mga pangyayari.
May ibang mga nagtanong naman sa akin dahil involved nga si Ruffa sa Martyr or Murderer bilang si Madame Imelda Romualdez-Marco.
Pang-uusisa sa akin ng mga kalahi ni “Marites”, “Gimmick ba ni Direk Darryl ‘yung ipinost niya para lalong pag-usapan ang pelikula?”
Well, the answer is a big NO! Pero tuluyan nga kayang iwanan ni Direk Darryl ang Martyr or Murderer? Eh, co-producer siya sa pelikula, huh!
At kung mag-out na talaga siya bilang director-scriptwriter-co-producer ng pelikula, paano na ang part three na Mabuhay Aloha Mabuhay na karamihan sa mga eksena ay kukunan sa Hawaii?
Nakakatensyon, ‘noh?!
Alam mo ba, Ateng Salve, deadma nga si Direk Darryl sa mga message ko sa kanya kahapon kahit seen niya ang mga ‘yon.
Nagpipigil kaya si Direk Darryl kaya hindi muna siya nakikipag-usap?
Well...
Anyway, gulat din ang mga nasa Viber chat group namin sa pag-left nga ni Direk Darryl, pero lahat ay umiiwas mag-react at magtanong.
Well, sana maayos ang lahat ng ito bago ang next presscon ng Martyr or Murderer on February 20.
‘Yun na!
Ciara, nami-miss makipag-daldalankina Ruffa at Mariel
Aminado si Ciara Sotto na sobra niyang mami-miss ang weekly taping nila nina Ruffa at Mariel Rodriguez-Padilla ngayong naka-”pause” muna ang daily show nila sa AllTV, ang M.O.Ms. (Mhies On a Mission) dahil sobra nga siyang nagbe-blend sa kadaldalan ng dalawa.
Masaya nga raw palagi sa set nila at ‘yon ang mami-miss niya.
Pero siyempre, basta may time raw, makikipag-bonding pa rin siya sa dalawa.
Tinanong ko nga pala si Ciara kung bakit hindi siya nagda-driver. Minsan kasi ay may nagkuwento sa akin na sinabi niyang she cannot afford a driver, pero mas sanay lang daw talaga siya na siya mismo ang nagda-drive ng kanyang kotse kahit sa taping.
Pero minsan daw, nanghihiram siya ng driver sa nanay niyang si Helen Gamboa-Sotto lalo na kapag hindi siya sanay sa lugar na pupuntahan.
And speaking of her mom, tinanong ko si Ciara kung katulad ba ni Ms. Helen ay magaling din siyang magluto?
Napakarami kasing mga celebrity ang pinadadalhan ni Ms. Helen ng mga pagkain na sobrang sasarap. “I cook, pero hindi ko makuha ‘yung galing ni Mommy sa pagluluto. Saka si Mommy talaga, ang hilig magpadala ng pagkain sa mga kaibigan niya. Si Ate Ruffa nga, gustung-gusto ang mga food na ipinadadala ni Mommy at gusto nga raw niyang um-order at magbabayad siya, pero ayaw kasi ni Mommy na magpabayad. Basta padadalhan na lang daw niya si Ate Ruffa,” kuwento ni Ciara.
Noong madalas pang mag-guest si Ruffa sa Eat Bulaga ay ilang beses ko na ring natikman ang mga pagkaing iniluluto ni Ms. Helen at ang sasarap talaga ng mga ‘yon.
Ikaw, Ateng Salve, ano ang fave mong iluto?
‘Yun na!
- Latest