^

PSN Showbiz

Mga artistang kumakandidato, hinihintay tumulong kay Dido Dela Paz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Hindi isang malaking star ang actor na si Dido dela Paz, at ang ganyang mga artista kahit na mahuhusay, hindi binabayaran  ng kasing laki ng talent fee sa bidang stars.

Inamin din naman niya na matagal na siyang walang trabaho, alam naman ninyo ang epekto ng pandemya sa industriya. Sarado ang mga sinehan, isang major television network ang nasara. Kaya talagang mahirap ang buhay.

Ngayon nananawagan si Dido. Humihingi siya ng dasal, dahil aminado naman siyang malala na ang kanyang cancer. Pero sinabi niyang gusto pa niyang mabuhay dahil may maliit pa siyang anak na umaasa sa kanya.

Kung noong araw, puwede siyang lumapit sa Mowelfund, eh ngayon wala na rin halos pondo ang Mowelfund, ang sabi nila kakarampot na lang daw naman ang nakukuha nila sa MMFF dahil sa dami ng naghahati sa kita noon, at nito namang nakaraang dalawang taon, wala namang kinita halos. May reklamo pa nga noon ang Film Academy na hindi naman daw naibibigay ang dapat na makuha riyan sa festival.

Noong presidente siya ng KAPPT, gusto ni Kuya Germs Moreno na magkaroon sila ng pondo para nga matulungan ang mga artistang nalalagay sa gipit, pero dahil sa kakulangan din ng concern ng malalaking stars, ang pinagkukunan nila ng malaking pondo na Star Olympics, natigil din. Iyong pondo ng KAPPT na ayaw bawasan ni Kuya Germs noon, naubos din.

Sino ang makakatulong sa kaso ni Dido? Nasaan na ngayon ang mga artistang kandidato?

Bakit hindi muna nila tulungan ang isang kasamahan nila sa trabaho? Kami nga nakaupo lang sa harap ng bahay namin, may lumapit at hinahanap ang aming ID, bibigyan daw kami ng limang kilong bigas at isang libong piso, at iyon ay mula sa isang artistang kandidato. Eh kaso hindi naman namin ipinagbibili ang boto namin.

Kung ang artistang kandidatong iyan ay nakapag-aalok ng limang kilong bigas na nasa sakong may picture pa niya, at isang libong cash pa para iboto siya, hindi ba niya mabibigyan si Dido na sigurado kaming nakasama na niya sa project?

Tulungan naman ninyo ang kasamahan ninyong nangangailangan at nasa bingit ng kamatayan. Nakakabili nga kayo ng boto, papaano kaming maniniwala sa inyo kung ang kasamahan ninyo hindi ninyo matulungan?

Pops, kinumpara ni donita kay Madam Auring

Ano kaya ang reaksyon ni Pops Fernandez sa biro ni Donita Rose na kamukha niya si Madam Auring?

Hindi nga yata masyadong nakaayos si Pops nang kunan ang picture na kanyang ipinost. Isa pa, huwag naman nating asahan na ang hitsura ni Pops kagaya pa rin noong ‘80s na dalaga pa siya. Natural nagkakaedad na rin naman iyong tao.

Iyon namang comment ni Donita Rose ay patawang biro lang iyon, na siguro naman hindi magiging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Sa parte naman ni Madam Auring, siguro nga kasi matanda na siya noon kaya iba na rin ang hitsura niyang nakasanayang makita ng mga tao, pero bukod sa pagiging manghuhula, si Madam Auring ay naunang sumikat bilang beauty consul­tant. Marami siyang mga beauty parlor noong araw na dinarayo ng mga babaeng gustong magpaganda, bago nauso ang mga retoke at pagpapaopera ng mukha.

Bagama’t sumikat talaga ang kanyang parlor dahil habang naghihintay ka dahil marami ngang customers, maaari kang hulaan ni Madam Auring. Sikat na sikat siya noon lalo na sa Balic-balic, kung saan naroroon ang original niyang beauty parlor. Pero bakit nga kaya kay Madam Au­ring naikum­para ni Donita si Pops?

Hubadera sa Indie, nakakatorete ang raket sa pagkanta

Dapat ma-realize naman ng female bold star na sapat na ngang sumikat siya sa mga pagbo-bold niya sa indie. Tama na iyon, kumikita naman siya kahit alam naming pabarya-barya halos ang bayad sa ganung pelikula. Huwag na siyang rumaket pa ng iba. May nagpadala sa amin ng video kung saan kumakanta ang bold star, at habang pinakikinggan namin iyon ang naalala namin ay iyong kanta ng Moonstars noong araw, ang “torete.”

Sa totoo lang nakakatorete kasi ang boses niya eh.

Kanya-kanyang raket lang iyan, pero sana iyang mga nag-aartista naman alamin nila kung hanggang saan lang ang talent nila. Kung ang talent nila ay maghubad, maghubad na lang.

DIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with