Kahit bawal... Robin, Ipinagmalaki ang sariling swab test!

Robin

MANILA, Philippines — Nagulat kami sa isang social media post ni Robin Padilla. Nakapost ang kanyang picture na kinakalikot ang kanyang ilong, at ang sabi ay late na raw, wala pa ang nurse, kaya sila-sila na lang ang nag-swab test sa kanilang sarili.

Nakakagulat hindi ba? Dahil kung hahayaan na lang natin ang kahit na sino na sumundot ng sarili niyang ilong para maka-comply sa kanilang RT-PCR testing, ano ang mangyayari?

Ang alam namin sa US mayroon nang ganyang “home test” para sa COVID-19, pero pinapayagan na ba iyan sa Pilipinas na kung saan iyan ay ginagamit bilang compliance sa isang regulasyon?

Hindi mo masasabing labag iyan sa batas. Kahit sino maaaring gumawa ng ganyan. Pero kung pinapayagan na ang ganyan, bakit ang dami pang Pilipinong nakapila sa testing at nagbabayad nang libo.

Di sana ipagbili na lang sa botika iyan at hayaan na lang sila ang sumundot sa ilong nila gaya ng ginawa ni Robin.

Passport ni Jake, gustong malaman kung anong nakapangalan

Napikon si Jake Zyrus sa isang fan na nagsabing paulit-ulit niyang pinaki­kinggan ang mga awitin ni Charice Pempengco. May pahiwatig sa pananalita na mas sikat si Charice kaysa kay Jake, at may sinabi pa siyang maaaring bumalik si Charice. Napikon si Jake Zyrus at pinatulan ang kanyang fans na sinasabi niyang insulto na ang ginagawa sa kanya.

Siguro nga kung naging batas na ang SOGIE Bill idedemanda na ni Jake ang lahat ng magsabi na siya ay babae at ang pangalan niyang totoo ay Charice Pempengco, kasi nga nagsisikap siyang maging lalaki. Nakita naman ninyo, kung anu-anong gamot na ang kanyang ininom para magmukha siyang lalaki. Tinubuan na siya ng bigote.

Nag-iba na rin naman ang boses niya. Nakailang girlfriend na nga ba siya, pero wala pa naman siyang nabubuntis, pero noon nagplano rin sila ng dati niyang syota ng in vitro fertilization. Ang tagilid lang lang doon, kukuha sila ng sperm donor, itatanim sa sinapupunan ng syota niya at lalabas wala siyang kinalaman sa anak niya.

Ano ba ang nakalagay na pangalan sa kanyang pasaporte?

Puwede niyang gayahin si BB Gandanghari, na nagtungo sa US at sa pamamagitan ng aksiyong legal ay pinapalitan ang dati niyang pangalang Rustom Padilla, pero doon iyon sa US. Papaano kung umuwi siya sa Pilipinas, nabago rin ba ang kanyang birth certificate? Hindi talaga mabubura iyong dating pagkatao, maliban na lamang kung magawa ng siyensiya na makabuntis ang lesbian o kaya ay mabuntis naman ang bading at makapanganak, hindi mababago iyan. 

Show comments