Anne maternity leave na sa February!
Seen Scene
Jojo Gabinete
SEEN: Ipokrito ang ilan sa mga nagsasabi na hindi dapat pagpasa-pasahan sa Internet ang alleged video scandal ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo dahil sila ang nangunguna sa panonood. Ang mga social media post nila na dapat irespeto si Yulo ang lalong pumukaw sa curiosity ng mga tao na walang kamalay-malay na may video scandal na ibinibintang sa Filipino gold medalist sa 30th SEA Games.
SCENE: Baka sakaling matuwa si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte kapag napanood nito ang Singaporean athletes na sumasayaw sa tugtog ng Manila, ang kanta na ginamit sa entrance parade ng Filipino athletes sa opening ceremony ng 30th SEA Games noong November 30. Naging vocal si Inday Sara sa pagtutol sa paggamit sa 1976 hit song ng Hotdog.
SEEN: Kasama ang National Costume ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa listahan ng Top 10 National Costumes sa 68th Miss Universe. Hinihikayat ang lahat na iboto si Gazini sa Best in National Costume online voting ng Miss Universe. Ang respected at popular Cebu-based fashion designer na si Cary Santiago ang gumawa ng national costume at evening gown na ginamit ni Gazini.
SCENE: Sobrang malamig ang panahon sa Georgia, Atlanta kaya limitado ang activities ng 90-official candidates ng 68th Miss Universe. Hindi rin masyadong makapamasyal ang mga Pilipino na lumipad sa Georgia para saksihan ang coronation night ng Miss Universe dahil bukod sa malamig na klima, sinabihan sila na hindi ligtas na mag-ikot sa paligid, lalo na kung gabi.
SEEN: Ang plano ni Anne Curtis na mag-maternity leave sa February 2020 bilang paghahanda sa pagsisilang niya sa panganay nila ni Erwan Heussaff sa March 2020. Ang M&M, The Mall, The Merrier ang last movie ni Anne bago siya maging ina.
SCENE: Maaga na Christmas gift para kay Quezon City House Representative Alfred Vargas ang award na ipagkakaloob sa kanya sa December 13, 2019 sa Manila Hotel. Kabilang si Alfred sa mga awardee ng The Outstanding Young Men 2019 ng Junior Chamber International Philippines.