Umaasa ang mga kaibigan ng actor na si Baron Geisler na tuluy-tuloy na ang pagbabago nito sa loob ng isang rehab facility kung saan ito dinala mula sa Police Station 3 ng Angeles City, Pampanga. Ikinulong si Baron dahil sa panggugulo at pagbabanta nitong papatayin ang brother-in-law na si Michael Robinstone Morales, asawa ng sister niyang si Grace.
Hindi na umano makontrol si Baron ng kanyang mga kapatid na sina Grace at Donnie maging ng kanyang brother-in-law dahil nag-iiba ang ugali ng actor kapag ito’y lasing.
Self-destruction ang ginagawa ni Baron sa kanyang sarili to a point na wala nang gustong kumuha ng kanyang serbisyo at siya’y makatrabaho. Pero sa kabila ng mga nangyari at mga kasalanang nagawa ni Baron, umaasa pa rin siya na mabibigyan pa rin ng chance na magbago at makapagtrabaho kapag tuluyan na siyang gumaling sa loob ng rehab.
Manliligaw ni Erich nakalabas na ng kulungan
Nakalaya na sa pagkakakulong sa Malabon City Jail ang controversial young businessman na si Xian Gaza matapos itong ma-piyansahan ng P160,000 dahil sa dalawang warrant of arrest na ipinalabas ng korte na may kinalaman sa mga reklamo ng dalawang negosyateng sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz na niloko umano ni Xian ng tatlong milyong piso na may kinalaman sa ipinatayo nitong coffee shop.
Si Xian ang negosyanteng nag-viral nung isang taon nang ito’y mag-propose ng coffee date sa Kapamilya star na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang malaking billboard. Pero hindi siya pinatulan ng Blood Sisters star.
Ex ni Martin maligaya na sa piling ng dating aktor
Matagal nang hiwalay si Katrina Ojeda sa Concert King na si Martin Nievera na may iba na ring karelasyon. Si Martin ay may 11-year-old son kay Katrina at madalas itong isama ni Martin sa Pilipinas maging sa kanyang mga shows.
Si Katrina ay girlfriend na ngayon ng dating actor (sa Pilipinas) na si John Jerome Hughes at pareho silang naka-base sa Las Vegas, Nevada.
Kung matatandaan pa, si Katrina ang naging dahilan ng paghihiwalay ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin back in 2003.