Ang galing-galing ni Sarah Geronimo sa kanyang This 15 Me concert the other night sa Araneta Coliseum. World class na talaga ang level ng pagiging total performer ng alaga ni Boss Vic del Rosario.
Nasulit ang pananabik ng fans sa kanyang 15th anniversary concert dahil sa ganda at galing ng Pop Royalty.
Bukod talaga sa pagkanta, nahasa ang dancing skills niya sa guidance ng dance guru na si Teacher Georcelle.
No doubt, total package talaga si Sarah G, walang itapon sa kanya pag nasa stage. Hindi na siya ang simpleng si Sarah. Nag-iiba siya ng anyo pag nagpe-perform.
Kaya naman ang fans,walang tigil sa pagtili.
Muli ring napanood sa nasabing concert na kinanta niya ang Forever is Not Enough na naging signature niya sa pagsikat 15 years ago.
Pero mas maraming na-touch sa kanyang last song na Leaving on a Jetplane kung saan naka-plain shirt and a pair of ripped jeans siya pagkatapos magsuot ng mga bonggang outfit sa kabuuan ng concert.
Congrats Sarah G. Congrats Boss Vic.
Nakatakdang umalis si Sarah para sa kanyang This 15 Me US concert tour at may movie pa siya, ang Miss Granny na sa August naka-schedule ang showing.
Pero teka, maisingit kaya ni Sarah ang sinasabing repeat ng This 15 Me sa Araneta?
21 art pieces ni Heart, nabenta lahat
Sold out ang paintings ni Love Marie Ongpauco-Escudero sa kanyang 7th solo exhibit - In Full Bloom - sa Artist Space of Ayala Museum.
Twenty one art collection ng actress ang may bagong ‘parents’ na ngayon.
In all fairness, hindi umano mumurahin ang mga obra ni Heart na compare sa six other exhibits niya since coming out as a visual artist in 2014 ay mas bolder ang subject ng In Full Bloom.
So magkano kaya ang kinita niya sa nasabing exhibit?
Anyway, suportado ni Senator Chiz Escudero and Senator Cynthia Villar ang ginanap na opening ng In Full Bloom.
Kasama rin sa mga nag-attend ng event ang family and friends ni Heart ang GMA 7 bosses na Reggie Magno, Gigi Lara and Lilibeth Rasonable and fellow GMA artist Andrea Torres; Chiz’ mother Sorsogon Representive Evie Escudero, Inno Sotto, UP President Danny Concepcion and wife Atty. Gaby Concepcion among others.
Sa nasabing venue rin ginanap ang first solo exhibit ni Mrs. Escudero, I am Love Marie, the art and works of Love Marie Ongpauco in 2014.
Bata pa lang nang magpinta si Love Marie. Pero nang mag-showbiz siya, nawala sa direction. Pero nang mapangasawa niya ang pulitikong si Sen. Chiz, nagkaroon siya ng inspiration na ituloy ang pagpipinta under the mentorship of Ivan Roxas.
“I found a new life in painting, maybe because I think I’ve found myself.
“I’m so much more comfortable with myself now that, with every decision I make, I can go all out,” sabi ni Heart sa kanyang interview recently.
At mas na-inspire pa siya nang lahat ng paintings niya ay nabebenta in the first hour of exhibit openings.
Nagkaroon na rin siya ng sold out exhibit sa Chan Hampes Gallery in Singapore and in 2017 and she collaborated with Earth Artists sa isang successful exhibit in Honolulu, Hawaii.
At ngayon nga, Love Marie artworks can be seen on canvas, couture, packaging items, bags, furniture and books.
Bukod sa painting, pinagkakaabalahan din niya ang sisimulang negosyo – bag and kitchen wares na may tatak na Love Marie.