Heart inaawitang maging mayor sa probinsya ni Sen. Chiz?!
Sasabak naman si Heart Evangelista sa pulitika. Tatakbo siyang mayor ng Sorsogon na kung saan nagmula ang asawa niyang si Sen. Chiz Escudero at ang pamilya nito. Ang pag-aartista lamang ng Kapuso actress ang marahil ay magsa-suffer sa kanyang pagpasok sa isang bagong mundo pero, ang pagiging isang artist niya ay makikinabang ng malaki kapag napanalunan niya ang posisyon na kanyang minimithi sa 2019 elections. Marami pa rin ang magnanais na magkaro’n ng mga bagay na may pinta niya kapag naging pulitiko siya. Pero kung gusto niya ng isang magandang laban sa pulitika, iwasan niya ang pakikipagaway kay Marian Rivera, and vice versa.
Aiko ‘di nagpatinag sa paglipat ni Sunshine
Sana nga makabalik pa si Sunshine Cruz bilang isang Kapamilya pagkatapos ng serye na gagawin niya sa Kapuso network. Wish ito ng BFF niyang si Aiko Melendez na hindi natinag sa kanyang pagiging isang Kapamilya sa kabila marahil ng napaka-gandang offer ng kalabang istasyon ng ABS-CBN. Happy na si Aiko sa bagong project niya sa network na Bagani. Ibang-iba ito sa role na ginampanan niya sa Wildflower pero, dahil magaling na artista kung kaya madali siyang naka-adjust sa bagong trabaho. Very tempting din ang offer sa kanya para lumipat pero, nagawa niyang magpaka-loyal.
Cristina lamang pa rin kay Sofia
Tanggap ni Mayor Cristina Romualdez na mas may sinasabi ang anak niyang si Sofia Romualdez pagdating sa musika. Bukod kasi sa pagkanta ay marunong din itong tumugtog ng musical instruments at marunong bumasa ng nota at nakakapag-compose. Maganda rin ang 18 taong gulang na dalaga na nakuha ang good looks ng mga magulang niya pero, sa tanggapin niya o hindi ay hindi siya sing-ganda ng kanyang ina na napapanatili ang kanyang beauty sa kabila ng kanyang kaabalahan bilang mayor ng Tacloban City at pag-aalaga sa kanyang asawa at kanilang tahanan kasama na ang pagpapalaki sa kanyang mga anak.
Piolo maraming dinadatungan
Dapat patuloy pang magtagumpay ang Spring Films nina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal at Erickson Raymundo sa pagpoprodyus ng pelikula. Marami silang nabibigyan ng trabaho, artista man o tauhan sa produksyon
Limang proyekto ang nakatakda nilang gawin sa taong ito kasama na ang isang anime na pinamagatang Hayup Ka. Forte ng Spring Films ang mga romcom tulad ng It’s Just Pag-ibig, Kita Kita, Meet Me In St. Gallen, Northern Lights, Last Night na naging paborito ng millennials. Hindi lamang ang sarili niya ang nabibigyan ng trabaho ni Piolo, kung hindi maging mga artista na nangangailangan ng matinding push ang karera. Baka nga naman makasungkit sila ng isa pang Kita Kita, malaking tulong ito sa industriya ng pelikula. Makakalikha rin sila ng matagumpay na tandem tulad nina Empoy/Alessandra, Carlo/Bela at Inigo/Sofia.
Maganda ang ibinabadya ng serye niyang Since I Found You na parang isang pelikula at mas lalo pang naging interesting nang makita sa trailer nito si Ms. Charo Santos Consio. Maganda siguro ang serye para pag-aksayahan ng panahon ng bossing ng network.
Michele may ibubuga sa utakan
Magaling din pala at may utak ang volleyball star ng La Salle at UAAP MVP awardee na si Michele Gumabao, isa sa anim na nabigyan ng titulo sa Binibining Pilipinas beauty pageant bilang Bb. Pilipinas-Globe.
Maganda ang naging performance nilang anim na Binibini title holders sa The Bottomline na kung saan ay inulit ang Q&A segment ng pageant at itinanong sa kanila ni Boy Abunda ang mga itinanong sa mga nakasali sa top 10. In all fairness, kung hindi pala under pressure, nasasagot nila ng mahusay ang tanong at lumalabas ang kanilang katalinuhan. Sa pagwawagi ni Michele bilang beauty queen, mas mapapasikat pa niya ang sport na volleyball na mabilis umaagaw ng kasikatan sa larong basketball.
- Latest