Si Regine Velasquez at hindi si Ogie Alcasid ang kamukha ng anak nilang si Nate at napatunayan ito nang i-post ni Regine ang picture niya noong bata pa siya na maikli ang buhok. Pare-pareho ang comment na kamukhang-kamukha niya ang anak at tinawag pa siyang Nate. Magkasama ang mag-inang Regine at Nate bilang endorser ng Jollibee spaghetti.
Hinahanap namin ang comment ni Ogie, pero wala pa itong sinabi, busy pa yata ito sa pagku-compose ng isusunod niya sa hit song niyang #grabtayobes na kung saan, inikot ng kanta ang lahat ng SM Malls branches sa Metro Manila. Kung kami ang taga-SM malls, bibilhin namin ang rights ng song, ipakanta kay Ogie at gawing jingle. Nakakatuwa at nakakatawa siya.
Samantala, ngayong Sabado na sa CSI Stadia sa Dagupan ang second leg ng 3 Stars 1 Heart concert nina Regine, Julie Anne San Jose at Christian Bautista. Sa direction ni Paolo Valenciano at produced ng GMA Entertainment Content Group at GMA Regional TV. Ang next leg ay sa Dubai World Trade Center na sa June 16 at saka ibabalik sa bansa.
Dennis at Jennylyn, tahimik pa sa kanilang engagement
Wala pa tayong naririnig na reaction kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa lumabas na balitang engaged na sila dahil sa pinost ni Dennis na photo na holding hands sila ni Jennylyn, suot ang parehong Rolex watch.
Ang mas nakatawag ng pansin ay ang suot na ring ni Jennylyn na engagement ring na raw. Pero dahil hindi pa nakakausap sina Dennis at Jennylyn, hindi pa natin alam ang totoo sa tsika.
Hopefully, makausap namin si Dennis sa press visit ng The One That Got Away para maliwanagan ang fans nila ni Jennylyn. At least sa TOTGA, lumilinaw na sina Liam (Dennis) at Alex (Lovi Poe) ang magkakatuluyan.
Nora laging nauuna sa taping
Nilinaw ni director Gina Alajar ang nasulat na special participation lang si Nora Aunor sa dinidirehe niyang primetime teleserye ng GMA-7 na Extraordinary Love. Nagulat pa si Gina na may ganitong isyu sa soap na three taping days pa lang pala ang kanilang nagagawa.
“Launching nina Mikee Quintos, Jo Berry at Kate Valdez ang Extraordinary Love pero hindi special participation si Mareng Guy pati na rin si Cherie Gil. Major, major ang character niya na hindi ko pa lang pwedeng sabihin,” sabi ni Gina.
Tungkol naman sa cut off ni Guy, sabi ni Gina, mas inuuna niyang kunan ang mga eksena na kasama ang superstar para mahabol sa 10pm cut off nito. Wala siyang problema rito dahil nasusunod naman. Maagang dumarating sa set si Guy at kapag ready na ang lahat, start na ang taping.
Wala ring problema sa schedule ni Gina na nagdidirek siya ng Extraordinary Love at artista sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka lalo’t hindi pa full blast ang taping niya sa EL
Erwan, todo push sa okra
Sa mga nagtatanong kung bakit si Erwan Heussaff ang kinuhang ambassador o celebrity endorser ng gaganaping nationwide Buhay Carinderia... Redefined, heto ang pahayag ni Erwan.
“I may not be a Filipino food expert yet, there are so many dishes that I still need to discover, but I’m curious to keep learning and I am a staunch advocate of our culinary culture.”
In fairness kay Erwan, bisitahin ninyo ang Instagram (IG) nito at nakakatuwa na Filipino food o vegetable gaya ng okra ang pinu-push nito na isama natin sa ating mga niluluto at kinakain. I’m sure, marami sa atin ang hindi kumakain ng okra at iba pang gulay, pero dahil sa pagpu-push ni Erwan, harinawang dumami ang okra eater.