Piolo mas gustong magpayaman kesa mag-dyowa

Hindi na hinahanap ang babae

Uy obvious na mas gustong mag­pa­yaman ni Papa Piolo Pascual kesa magka-dyowa.

Mas busy pa ngayon ang actor dahil sa kanyang bagong teleserye na papalit sa ABS-CBN Primetime series na The Good Son, ang Since I Found You with Arci Muñoz, JC de Vera and AlemPoy tandem nina Alessandra de Rossi and Empoy Marquez.

Imagine may daily na siya, may weekend show pa, ang Home Swee­tie Home and ASAP. Paano pa kaya siya magkaka-girlfriend? “Saka na lang,” sagot niya sa ginanap na mediacon ng SIFY the other night.

Depensa ng aktor, hindi oras ang isyu kundi decision niya na magtrabaho muna nang magtrabaho. Hindi sa walang time, choice ko, pasensiya naman. Ayoko talaga. Dami ko kasing gustong gawin sa buhay eh.

“In all honesty, hindi ko siya hinahanap, ayoko siyang hanapin. Ayaw ko na lang muna para mas tutok ako - ang dami ko kasing ganap sa buhay, so feeling ko, kung isasama ko pa ‘yun, I don’t want it to be a task, I don’t want it to be a chore. Ide-devote ko muna ‘yung oras ko where I see it fit.

“So, for the next couple of years, ito na muna para mas tutok lang ako, so pasensiya na lang,” paliwanag niya kung bakit wala muna sa vocabulary niya ang girlfriend.

Matagal-tagal na ring walang GF ang actor. Si KC Concepcion pa ang last official na karelasyon niya.

Anyway, isang romance-comedy ang Since I Found You na ayon kay Piolo ay parang naglalaro lang sila sa taping.

Si Direk Antoinette Jadaone ang director ng SIFY.

Bukod sa sariling career, tinututukan din ni Papa P ang pagiging movie producer (Spring Films) at may gagawin din siyang movie tungkol sa Marawi.

Concert ni Sarah hiniritan ng repeat, tickets said na said na

Super sold out na ang This 15 Me concert ni Sarah Geronimo, tomorrow night, sa Araneta Coliseum.

Ito ay kahit nagdagdag pa ng seats ang Araneta para ma-accommodate ang demand ng fans sa VIP and Patron section.

Kahit marami pang gustong bumili, wala na raw talagang maibigay ang Viva Live, ang producer ng show. Kaya naman hiniritan ang Viva ng repeat.

Hanggang yesterday kasi ay ang dami pang gustong bumili pero said na raw talaga. Wala nang mailabas ang Viva.

Obvious na obvious na nasabik ang fans kay Sarah na three years ago pa ang huling concert.

Actually, naisip na raw ng Viva na magkaroon ng second night para ma-accommodate ang demand ng fans pero hindi raw puwede sa schedule ni Sarah dahil naghahanda na rin ito para sa kanyang US concert tour.

Sa pelikula naman ay tinatapos na niya ang Pinoy version ng Korean hit film na Miss Granny. Kasama niya sa movie sina James Reid and Xian Lim directed by Binibining Joyce Bernal. Sa August umano ang target playdate ng Miss Granny.

Show comments