Ryan Bang nalungkot na hindi nahalikan si Kim ; Juancho hindi natagalan ang pagpapakita ng puwet!

Seen: Hindi napanindigan ni Juancho Trivino ang litrato na kita ang puwet niya sa kanyang Instagram post kahapon. Binura ni Juancho ang litrato na ikinagulat ni Janine Gutierrez at ng ibang mga Kapuso star.#FameWhore.

Scene: Binura rin ni Mark Bautista sa Instagram ang litrato na mahaba ang buhok niya at may suot siya na bowtie na very gay sa paningin ng mga tao. Seen: “Miss pa po ako “ ang paulit-ulit na sabi ng veteran actress na si Odette Khan sa presscon kahapon ng Da One That Ghost Away ng Star Cinema. Nagtaka si Odette dahil walang nagtanong kung bakit miss pa siya.

Scene : Overwhelmed si Ryan Bang dahil siya ang leading man ni Kim Chiu sa Da One That Ghost Away. Nangangarap si Ryan na magkaroon sila ni Kim ng kissing scene sa pelikula nila.

Scene: Ipinagdiriwang ngayon, Friday the 13th, ng aktres at Bacoor City Mayor na si Lani Mercado ang 50th birthday niya. Ang makalaya na ang kanyang mister na si Bong Revilla, Jr. ang birthday wish para kay Lani ng constituents niya.

Seen: Ipalalabas sa mga sinehan ng Greenbelt at Trinoma sa April 18 hanggang April 24 ang digitally restored at remastered copy ng Ikaw Pa Lang Ang Minahal, ang 1992 movie nina Richard Gomez at Maricel Soriano.

Show comments