Salamat kay Isabelle Malacañang puwede na rin sa taping at shooting!

Puwede bang hindi sumikat ang apo ni President Rodrigo Duterte na si Isabelle Duterte ngayong nagpasya na itong mag-showbiz? Ngayon subukan ng mga malasadong basher  na i-bash siya. Tingnan lang natin kung makapagtatago sila sa likod ng kanilang mga social media accounts.

Malalaking tao at kumpanya sa showbiz ang nasa likod ng bagong artista, gaya ng Viva at ni Annabelle Rama.

Pasalamatan din ng lahat si Isabelle dahil binuksan niya ang Malacañang para sa iba na makapag-pictorial din dito.

Shooting at taping, puwede rin kaya?

Aldub handa na sa balikan!

Pasko na bukas at siguradong malamig ang Pasko ng magka-loveteam na AlDub. Si Alden Richards ay nasa Japan kasama ang kanyang pamilya at si Maine Mendoza naman ay nasa Amerika na lumayas ng bansa matapos ang kanyang inilabas na maisyung “open letter” sa kanyang fans at makaiwas sa pangungulit ng mga ito.

Sa ipinost niyang photo sa US makikitang beauty naman at happy si Maine. Mukha namang hindi siya naapektuhan ng mga pangyayari at excited na i-resume ang kanyang karera rito pagkabalik niya at ang pagpapatuloy ang tambalan nila ni Alden.

Erich masusubukan sa tatlong magkakapatid

Maganda ang dating ng 2018 kay Erich Gonzales. May serye itong gagawin sa ABS-CBN na ipapalit sa magtatapos na  Pusong Ligaw.

Balikan sa The Blood Sisters ang tandem nina Erich at Echong Dee. Gagam­panan ni Erich ang tatlong roles nina Agatha, Erika at Carrie. Patunay ito sa malaking tiwala ng network sa kakayahan ni Erich.

Aiza lalaki na?!

Intindihin na lamang natin si Aiza Seguerra na nagpalit na rin ng pangalan tulad ni Jake Zyrus. Lalaki na nga naman ang pagtanggap sa kanya ng lahat at kung si Jake ay hindi naman naapektuhan nang pagbabago niya ng kasarian at pangalan, ganundin ang inaasahan ni Aiza. Ayaw na niyang maging ate, tita, sis, ninang. Gusto niyang maging simpleng Ice na lamang.

‘Di ba niyo siya puwedeng pagbigyan?

Vice umiwas kay Coco!

Obvious naman ang ginawang pag-absent ni Vice Ganda sa It’s Showtime para sa grand promotion ng Ang Panday ni Coco Martin.

Ang ganda siguro kung pinangunahan niya ang pag-welcome sa grupo ng kanyang bestie. Baka tuloy hindi magbunga ang claim niyang bilyong kita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 movie niya na makikipaglaban bukas sa movie ni Coco.

 

Show comments