^

PSN Showbiz

Andi lumambot na kay Jake

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Magandang move ‘yung gi­na­wang pakikipag-ayos ni An­di Eigenmann sa ama ng kanyang anak na si Jake Ejercito. Matatahimik na nga naman silang lahat nga­yong maaari nang dalawin at hiramin ni Jake ang kanyang anak na si Ellie.

Wala nga rin marahil kaguluhan na magaganap sa pagitan nila dahil bago pa ang pagsasampa ni Jake ng kaso ay malaya naman niyang nahihiram ang kanyang anak. Ang pagsasampa niya ng kaso ay para lamang maging legal ang lahat.

Denise magpapa-opera

Hindi man kasing popular ng Dreamscape at Star Creatives ang GMO unit na nagpoprod­yus ng show para sa ABS-CBN ay paulit-uli itong binabanggit ng buong cast ng The Better Half. Isang masipag na babae ang nasa likod ng GMO, si Ginny Monteagudo-Ocampo.

Isa sa mga na-produce ng GMO ang Be Careful With My Heart na nagpasikat nang husto sa tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at nagpakilala naman kay Ja­nella Salvador. Prodyuser din ito ng nag-tren­ding na The Greatest Love. Makikitang mahahaba ang panahon na tinatakbo ng mga programa ng GMO tulad din ng nangyari sa The Better Half na inabot ng pitong buwan. Nasa hu­ling linggo pa ito na hinihiling ng mga manonood na patayin na si Bianca na ginagampanan ni Denise Laurel na may pinagdaanan pala habang ginagawa ang serye. Nagkaroon siya ng cancer scare dahil may nakitang mga maliliit na bukol sa kanyang boobs at ovaries. Bagama’t benign naman pero nakatakda niya itong ipa-opera pagkatapos na pagkatapos ng The Better Half.

Hindi naman niya napag-iwanan sina JC de Vera, Carlo Aquino, at Shaina Mag­da­yao dahil pare-pareho ring nagpamalas ng husay ang mga ito sa pag-arte. 

Ma­ganda rin  ang participation nina Mari Kaimo, Joyce Ann Burton, Rommel Padilla, at Nadia Montenegro.

Vilma at Nora maghaharap

Siguradong uugong na naman sa ingay ang Resorts World Manila sa pagtatagpong muli ng dating mahigpit na magkalaban na sina Cong. Vilma Santos at Superstar Nora Aunor na parehong gagawaran ng Star Awards for Movies ng karangalan bilang Ginintuang Artista ng Pelikulang Pilipino.  

Mabubuhay na naman ang dugo ng mga tagahanga ng dalawang aktres. Kasabay na bibigyang parangal sa 33rd Star Awards for Movies na magaganap sa September 3 bilang Mga Alagad ng Sining sa Likod ng Kamera sina Pen Medina at Joel Lamangan.

Matapos ang hiwalayan nila ni Sofia, Diego kailangan si Cesar

Mabuti naman kung nagkakasundo na ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga. Makakatulong ng malaki ang pagbabago ng relasyon nila kung totoo ngang naghiwalay na sina Diego at Sofia Andres. Kailangan ng kabataang aktor ng isa pang masasandalan ng emosyon bukod pa sa kanyang ina at sana ay maibigay ‘yun sa kanya ni Cesar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with