Charo nagsimula nang mag-OFW

It took Charo Santos 27 years na mu­ling gumawa ng pelikula sa pamama­gitan ng award-winning movie na Ang Babaeng Humayo na idinirek ni Lav Diaz in 2016. Bago ito, ang huli niyang pelikulang ginawa ay ang Pamilya Banal in 1989 na pinagsamahan nila ng yumaong action and movie king na si Fernando Poe, Jr. kasama sina Christina Gonzales, Armida Siguion-Reyna, at John Regala. 

Tumatak nang husto ang award-winning comeback movie ni Charo kaya hindi nito napahindian ang follow-up project para sa kanya ni Lav Diaz which they are currently doing in Singapore na ang kuwento ay may kinalaman sa OFW (Overseas Filipino Workers).

Heart at Valeen tumalab ang pagma-match kina Kim at Jinri

Nagmistulang “matchmaker” sina Heart Evangelista at Valeen Montegro sa dalawa nilang Korean co-stars sa My Korean Jagiya na sina David Kim at Jinri Park. Pareho kasing Koreans at single ang dalawa kaya pinagtripan nina Heart at Valeen ang dalawa na mukhang tumalab naman.

Although kasisimula pa lamang ng My Korean Jagiya,  mukhang may bagong loveteam na nabuo.

Sayang at may Sen. Chiz Escudero na si Heart kaya malabo itong ma-link sa kanyang Korean leading man na si Alexander Lee.

Will at Roxanne nag-invest sa sariling pelikula

Marami-rami na ring artista ang pumapasok sa co-production ng mga pelikula na kanilang ginagawa at kasama na rito sina Vic “Bossing” Sotto, Kris Aquino, AiAi delas Alas, Vice Ganda, Dingdong Dantes, Coco Martin, at iba pa.

Sa pangatlong produksyon ng BluArt Produtions, ang drama-romance mo­vie na I Found My Heart in Sta. Fe na pinagbibidahan ng real sweethearts na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn mula sa panulat at direksyon ni Bona Fajardo, pinasok na rin ng magkasintahan ang pagiging co-producers.

“Gusto rin namin matutunan ang pagpu-produce ng pelikula kaya we partnered with the couple (Direk Bona and Lyn Fajardo),” pahayag ni Roxanne.

Sa thirteen years stay sa Pilipinas ni Will at sa loob ng kanilang apat na taong relasyon, ngayon lamang sila nagkatambal in any project.

Tinaningan ni Will ang kanyang sarili na pakakasalan na niya si Roxanne sa taong 2019 dahil siya umano ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay at maging ina ng kanilang magiging mga supling.

News Anchor na si Amelyn Veloso pumanaw sa sakit na cancer

Nagluluksa ang mga taga-CNN Philippines at iba pang nakasama at nakatrabaho, mga kaibigan at kaananak ng news anchor at public service host na si Amelyn Veloso na yumao noong nakaraang Huwebes, alas-11 ng umaga dahil sa sakit na kan­ser sa breast at liver. She was 43.

Bago ang CNN Philippines kung saan siya nagsimula in 2013 up to the time of her death, si Amelyn ay naging news anchor din sa IBC, ABC-5/TV5.

Taong 1999 nang unang maging news anchor si Amelyn.

Mula sa amin dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN), ang aming taos-pusong pakikiramay sa pa­mil­­ya at mga mahal sa buhay na iniwan ni Amelyn.

Show comments