Anne dinamayan ang pamilya ng fan na namatay!

Anne  

Nabawasan ang pagluluksa ng pamilya ng isang fan ni Anne Curtis na namatay sa cancer.

Dinalaw ni Anne ang wake ng kanyang fan si Charlotte Alegre nang makarating sa kanya ang isang request ng kapatid ni Charlotte. Nag-viral ang naging request hanggang makarating nga kay Anne.

Sumagot si Anne na dadalaw ng siya after ng Showtime nung isang araw.

Nagpasalamat ang pamilya ng 19-year old na die hard fan ni Anne na kinapitan ng leukemia.

Puring-puri ni Direk Chito, Kim hindi pa nakaka-move on sa ginawa sa Nepal

May hangover pa si Kim Chiu sa kanilang trip sa Nepal last week. Nagpunta sila sa nasabing bansa para sa shooting ng pelikulang The Ghost Bride.

Kasama niyang bumiyahe sa nasabing bansa ang ilang staff and crew ng pelikula ng Star Cinema with Direk Chito Roño.

Ilang araw din silang nag-stay doon kaya hindi lang pulos trabaho ang nagawa ni Kim, na-explore niya rin ang Nepal.

Naikot niya ang tourist destinations doon at sumubok sa mga daring adventure tulad ng bungee jumping, paragliding at kung anu-ano pa.

Kaya naman, puring-puri ni Direk Chito si Kim.

Nang makatsika ni Nay Lolit Solis si Direk Chito, sinabi nitong isa na si Kim sa pinaka-paborito niyang katrabaho.

Wala raw itong kaartehan sa katawan at akala mo ay papayat-payat ay mahina ang katawan. Pero gulat daw ang director na walang inuurungang eksena ang Kapamilya actress kahit anong hirap nito.

Anyway, nagpasalamat naman si Kim at ang buong team ng Ghost Bride na binigyan sila ng pagkilala sa pagso-shooting nila sa nasabing bansa ng Consulate of Nepal.

Wala pang binibigay na playdate ang Star Cinema sa nasabing pelikulang kung saan leading man ni Kim si Matteo Guidicelli.

Show comments