^

PSN Showbiz

Angel pinilit ang sarili sa stunts, naging problema ni Direk Cathy!

undefined - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Naging problema pala si Angel Locsin ng direktor niya sa La Luna Sangre na si Cathy Garcia Molina. Sa kabila ng pagbabawal nito na huwag masyadong mag-exert ng effort si Angel dahil sa problema nito sa likod sa kanyang mga maaksyong eksena at gumamit ng dobol para siya hindi masaktan ay hindi ito nakinig sa kanya.

Si Angel mismo ang gumawa ng stunts niya. Pasalamat na lamang ng direktor na walang masamang nangyari sa artista niya.

Randy, Gelli at Joross ipinagpalitang dating trabaho!

Hindi madaling desisyon ang ginawa nina Randy Santiago, Gelli de Belen, at Joross Gamboa na magpaalam sa kinabibilangan nilang network para lamang matanggap ang roles na inialok sa kanila ng Kapamilya Network para sa La Luna Sangre kung saan ay nagtatapos ang istorya nina Matteo (John Lloyd Cruz) at Lia (Angel) at ipapasa sa mga character na gagampanan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sina Randy at Joross ay parehong mga Kapuso, direktor ng Wowowin ang una, samantalang artista naman si Joross at napapanood sa ilang mga programa ng Kapuso. Isang Kapatid naman si Gelli ng TV5.

Ang La Luna Sangre ay pagpapatuloy ng istorya nina Mateo at Lia sa Lobo at Imortal. Sila ang magbubukas ng kuwento ng La Luna Sangre at ipapasa ang patuloy na hidwaan sa pagitan ng mga lobo at bampira sa KathNiel. 

Tahimik na sanang mamumuhay bilang mortal sina Mateo at Lia nang big­lang maghasik ng lagim si Sandrino bilang hari ng mga bampira na ginagampanan ni Richard Gutierrez. Gusto nitong pigilan ang propesiya na susupilin siya ng anak ng pinakamakapangyarihang bampira na pinaniniwalaan n­iyang si Malia (Kathryn), ang anak nina Mateo at Lia. Pipiliting protektahan ng mag-asawa si Malia, pero sa huli ay magagapi sila ng kampon ng kasamaan.

Lalaki si Malia sa piling ng mga lobo’t bampira, pero umaasa ang kanilang lahi na siya nga ang itinakda ngunit mabibigo ang lahat na sa gulang na 21 ay hindi lumabas ang kanyang kapangyarihan. Dahil sa kahihiyan ay aalis si Malia at mamumuhay sa mundo ng mga tao. Makikilala niya si Tristan (Daniel) na buong buhay ay hinahanap ang bampirang pumatay sa kanyang ama.

Maging susi kaya si Malia sa katarungang hinahanap ni Tristan? At siya, makabalik kaya sa mundong iniwan niya para matupad ang propesiya sa kanya?

Produksyon ng Star Creatives ang La Luna Sangre na siyang nasa likod ng matatagumpay na Lobo, Imortal, Got To Believe, Pangako Sa ‘Yo, Forevermore, Dolce Amore, Pusong Ligaw, at A Love To Last. 

Richard sinusuwerte agad

Napakasuwerte ni Richard Gitierrez dahil binigyan na agad siya ng malaki at magandang role sa La Luna Sangre. Mukhang sa bago n­iyang network mabi-build up nang husto ang anak ni Annabelle Rama. Hindi rin pinag-isipan nang matagal ng ABS-CBN na agad siyang bigyan ng pelikula kasama sina Angelica Panganiban at Angel Locsin. Malaking pressure sa kanya, pero inaasahan ng lahat ay makakasabay siya sa pag-arte ng dalawang magagaling na artistang babae.

Marc puwedeng pamalit kay Eddie

Hanggang June 30 pa pala tatakbo ang Legally Blind ng GMA. Ibig sabihin lang, magtatagal pa ang pagkamuhi na nararamdaman ng mga manonood kay Marc Abaya. Itinodo na ng aktor ang kanyang galing sa pag-arte para mapangatawanan ang pinakasalbaheng kontrabida na mapanood sa TV.

Hindi na mag-aalala sina Mr. Eddie Garcia & co., meron nang magsusuot ng kanilang sapatos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with