Drew at lya sinuwerte sa anak

MANILA, Philippines -  Tila si Baby Primo ang lucky charm ng mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania. Ayon kasi sa nabalitaan namin, waging-wagi sa TV ra­tings ang comedy game show ng power couple na People vs. The Stars dahil hindi ito maungusan ng katapat nitong dalawang programa.

Masaya ang netizens na sa tuwing napapanood ito ay pasabog ang celebrity guests nito. Dagdag pa nila, masaya na nga sila dahil sa entertainment, panalo pa sila dahil sa chance na manalo ng cash prizes!  Truly, Sundays are fun days with People vs. The Stars! Congratulations, Kapuso! 

Show comments