Parehong dismayado sina Paulo Avelino at Maja Salvador dahil one week lamang ipinalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikulang I’m Drunk, I Love You, kahit umani ito ng good reviews mula sa film critics at moviegoers.
Tinatanong ni Paulo ang theater owners na sumusuporta sa mga indie movie, pati na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño. Ang tanong ni Paulo, “Ano’ng nangyari?”
Hindi na kailangan ni Paulo na magtanong dahil simple lang ang sagot. Kung kumikita at pinipilahan sa takilya ang I’m Drunk, I Love You, tulad ng nangyari sa Heneral Luna, tiyak na extended ang showing sa mga sinehan ng pelikula nila ni Maja.
Kahit papaano, dapat pa ring magpasalamat sina Paulo at Maja dahil tumagal ng isang linggo ang pagpapalabas sa mga sinehan ng I’m Drunk, I Love You.
Mas matindi ang nangyari noon sa mga pelikula nina Kris Aquino at Nora Aunor na hindi tumagal ng one week ang showing, ang All You Need is Pag-Ibig at Thy Womb, respectively.
Alfred walang pinalalampas na trabaho
Hindi nakitaan ng pagod si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas noong Martes.
Umaga pa lang, nasa studio na si Alfred ng Unang Hirit ng GMA-7 dahil guest siya. Nag-promote ng Encantadia si Alfred at pagkatapos ng guesting niya, bumiyahe na siya sa kanyang district office sa Novaliches para sa dialogue sa pamilya ng mga nasawi sa bus accident sa Tanay, Rizal.
Nag-report din siya sa Kongreso para sa kanyang privilege speech tungkol sa trahedya na kumitil sa buhay ng mga estudyante ng BestLink College of the Philippines na constituents niya sa District V.
Walang pahinga si Alfred dahil pagkatapos ng mga obligasyon niya bilang kongresista, dumiretso na siya sa taping ng Encantadia na natapos kahapon nang umaga.
Nagluluksa man, nakatulong sa pamilya ng mga biktima ang pakikipag-usap sa kanila ni Alfred nang personal at ang pangako na hindi sila pababayaan sa paghahanap ng hustisya.
May-I-share ko sa inyo ang bahagi ng privilege speech ni Alfred sa kongreso noong Martes.
“It is heartbreaking, young lives taken too soon. Young adults who were eager to explore, and excited for the adventure that awaited them, but now lie dead, leaving behind shocked and devastated parents, distraught friends and family members, and a shattered community full of questions.
“I vow to get answers and make sure that the people responsible for this will be held accountable. Let me say with strong emphasis that the responsibility of the bus company for the safety of its passengers does not end in getting a franchise.
“It is not enough that the bus was operating legally. Being a public utility vehicle, there is so much more responsibility involved.
“Is the bus fit to run the roads, much more carry students and ensure their safety? How often do this bus company check the suitability of their vehicles?
“When was the last time that this particular bus was checked? A simple maintenance check before the trip, could have spelled a huge difference in safety.
“We’ve heard of this alibi many times before– that the breaks malfunctioned and the driver lost control of the wheels, as if this was enough reason to absolve the driver and operator of the crime,” ang sabi ni Alfred.