Kita ng mga pelikula imo-monitor na ng FDCP, one month film fiesta pinaplano!

Si FDCP Chair and CEO Liza Diño kasama ang ilang member ng Cinema Evaluation Board (CEB) – Juaniyo Arcellana, Clodualo del Mundo, Kaye Jimenez, CEB Chair Christine Dayrit, Digna Santiago and Salve Asis

MANILA, Philippines – Hindi na makakapag-padding ang mga movie producer sa kita ng kanilang mga pelikula.

Plano ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Ms. Liza Diño (chairperson and CEO) na mag-adapt ng software na magli-link sa kanila sa mga kita ng mga sinehan.

Wala pang masyadong details, pero in a nutshell, mamo-monitor ng FDCP ang kita ng mga sinehan ng mga pelikulang pinalalabas.

Sa ibang bansa ay may ganito nang sistema kaya panahon na talaga para naman maging updated ang lahat sa totoong kita ng mga pelikulang palabas mapa-mainstream o indie films.

Bukod dito, marami pang plano si Chair Liza sa FDCP na plano niyang i-implement at kasama na rito ang pagkakaroon ng one month film fiesta na walang papasuking foreign films. Yup, pawang Pinoy Films lang ang ipalalabas sa loob ng isang buwan sa lahat ng mga sinehan sa bansa. Walang screening committee at walang category kung mainstream o indie ayon kay Chair Liza nang maka-meeting namin last week.

Hands on si Chair Liza sa lahat ng proyekto ng FDCP na sa totoo lang ay hindi naramdaman sa mga dating nakaupo sa nasabing ahensiya na ang kapakanan ng film industry sa bansa ang tinututukan.

Athletic na Kim sasali na rin sa Iron Woman?!

Kung dati ay hinihika-hika lang si Kim Chiu at parang papaya-payatot, hindi na ngayon.

Nakaka-bike na siya ng hanggang 22 kilometers base sa kanyang Instagram account.

Sa isang photo niya sa Instagram nakalagay ay “Sky’s the limit” just finished 22 km bike and 3 km run.”

Kaya ‘wag magtaka kung sasali na rin siya sa susunod na Iron woman race.

Triathlete ang role nila ni Gerald Anderson sa serye nilang balitang eere sa April, ang Ikaw Lang ang Iibigin.

Bukod sa biking tumatakbo at naglalangoy na rin ang aktres.

At kung todo rin ang training ni Kim, nakikita rin sa social media posts ni Gerald ang kanyang effort dahil balitang sasali ito ng marathon sa Amerika bukod pa nga sa serye nila ni Kim.

Aside from Ikaw Lang Ang Iibigin, magiging busy din si Kim sa Ghost Bride kung saan leading man niya si Matteo Guidicelli for Star Cinema at si Chito Roño ang director.

Jadine fans masigasig

Masigasig ang fans ni Nadine Lustre na ipanalo siya sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2017 (Pinoy Star category).

Kahapon super trending ang #NadineForTheWin. As in kahit Linggo walang pahinga ang fans nila ni James Reid sa pagboto sa young actress.

Show comments