^

PSN Showbiz

Sen. Manny babalikan ang pagpo-produce ng pelikula!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Senator Manny Pacquiao ang special guest at nagputol ng ribbon sa grand opening ng Ka Tunying’s Cafe sa NAIA Terminal 3.

Bongga si Papa Manny dahil fresh from South Korea siya at dumiretso sa Ka Tunying’s para sa imbitasyon ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna.

Kasama ni Papa Manny na nagbakasyon sa South Korea ang kanyang pamilya at dahil nakapagpahinga, very positive ang aura niya.

Maraming plano si Papa Manny sa 2017 at kabilang dito ang pagpo-produce ng pelikula na welcome news dahil maraming manggagawa sa local movie industry ang mabibigyan ng trabaho.

Balak din ni Papa Manny na i-resume ang showbiz career niya na pansamantalang naudlot nang mag-concentrate siya sa boxing at sa pulitika.

Sa pagkakaalam ko, may kontrata pa si Papa Manny sa GMA-7 kaya mananatili siya na Kapuso kapag naging active uli siya sa showbiz.

Ka Tunying’s sa naia 3 bukas na

Bale pangatlong branch ng Ka Tunying’ s Cafe ang binuksan kahapon sa NAIA Terminal 3.

Sangkatutak ang mga restaurant sa NAIA Terminal 3 pero confident ako na tatangkilikin ng mga kostumer ang Ka Tunying’s dahil maraming beses na akong nakakain sa Timog branch.

Ako mismo ang makapagpapatunay na masasarap at reasonable ang presyo ng mga pagkain sa Ka Tunying’s Cafe.

Mga lokal na produkto ang ginagamit sa restaurant nina Anthony at Rossel kaya natutulungan pa nila ang ating mga magsasaka at mangingisda. Hindi uso sa Ka Tunying’s ang mga imported ingredients dahil malaki ang pagmamahal ni Anthony sa bayan natin.

Si Rossel ang namamahala sa lahat ng mga branch ng Ka Tunying’s. Successful ang lahat ng mga negosyo ni Rossel dahil sa kanyang mahusay na pamamahala.

Isang entry sa MMFF lumang-luma na ang kuwento

Wondering ang mga reporter na nakapanood sa isang filmfest entry dahil hindi raw maganda ang pelikula.

Nagtataka sila kung paano nakalusot sa panlasa ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang pelikula na lumang-luma ang kuwento at terible ang mga eksena.

Ang sey ng mga reporter, di-hamak na mas maganda ang Mano Po 7 na itsa-pwera sa walong official entries.

Kim Domingo takot magpa-interview?!

Big mistake na hindi umapir si Kim Domingo sa grand presscon ng Mang Kepweng Returns dahil chance na sana niya na mainterbyu ng entertainment press at magkaroon ng maraming publicity.

Mahaba ang exposure ni Kim sa Mang Kepweng Returns dahil siya ang leading lady ni Vhong Navarro.

Marami pa ang kailangan na mapatunayan ni Kim sa showbiz at kahit papaano, malaking  kawalan ang hindi niya pagdalo sa presscon ng pelikula ni Vhong.

Hindi pa masyadong kilala si Kim ng publiko dahil sa tuwing nababanggit ang name na Kim, sina Kim Chiu at Kim Atienza ang unang pumapasok sa isip ng mga tao.

Erap ayaw na nagtatagal sa hospital

Wala nang dapat ipag-alala ang fans at supporters ni Manila City Mayor Joseph Estrada dahil magaling na siya.

Nag-worry ang mga loyalist ni Papa Erap nang malaman nila na naka-confine sa ospital ang dating pangulo. Mabilis  na naka-recover si Papa Erap  na malakas ang resistensiya ng katawan.

Isa lamang si Papa Erap sa mga kakilala ko na hindi type magtagal sa ospital at dahil sa matinding determinasyon, mabilis ang paggaling. Nakakabilib si Papa Erap na sobrang workaholic at hindi sanay na walang ginagawa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad