Scarlet star na star, pangpa-good vibes ng fans

Scarlet

Star na star na talaga si Scarlet Snow Belo, ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. Parami nang parami ang followers ni Scarlet, kabilang na ang ?super friend ko na si Pinky Tobiano. Ipinagtapat sa akin ng kaibigan ko na paggising niya sa umaga, ang Instagram account ni Scarlet ang kanyang unang tinitingnan at bago siya matulog, may-I-look pa rin siya sa mga bagong video ng bagets.

Hindi artista si Scarlet at two years old pa lang siya pero marami na ang napapasaya niya sa pamamagitan ng kanyang mga selfie at video. Dapat pasalamatan si Hayden? Kho? ng followers ng baby girl nila ni Mama Vicki dahil siya ang masigasig mag-upload at maglagay ng mga caption sa lahat ng mga litrato at video ni Scarlet.

Kapag walang bagong litrato o video si Scarlet, mega worry ang fans niya dahil baka not feeling well siya o bumiyahe uli sa ibang bansa, kasama ang kanyang mga magulang. Ganyan ka-obsessed kay Scarlet ang social media fans niya.

?Pulitikong hindi nanalo nung eleksiyon nagpa-party?

Nakakatuwa naman ang isang politician na naghanda ng Christmas party para sa entertainment press. Kahit hindi siya nag-win sa nakaraang eleksyon noong May, hindi nakalimutan ng politician ang entertainment writers.

Ibang-iba ang politician sa ibang mga kumandidato na hiningi ang tulong ng entertainment press noong campaign season pero dedma na nang manalo. Matatalino at matatalas ang pakiramdam ng entertainment writers. Alam nila kapag user friendly o sincere ang mga nagpapanggap na public servant at kiyeme-kiyemeng concerned sa mahihirap pero ang magkaroon ng kapangyarihan ang tunay na agenda.

Hindi sila katulad ng politician na marunong magpasalamat, lumingon sa pinanggalingan at naghanda ng Christmas party para sa entertainment writers, kahit wala na siya sa posisyon.

?Kris matagal na sanang lumipat sa TV5

Sinabi ni TV5 President and CEO Chot Reyes na welcome na welcome si Kris Aquino sa Kapatid Network. Nagkomento si Papa Chot tungkol kay Kris na walang home network ngayon nang tanungin siya ng entertainment press sa lunch date nila sa Annabel’s restaurant noong Martes.

Nag-trip down memory lane tuloy ako dahil sumagi sa isip ko ang pinalutang na isyu ng kampo ni Kris noong usong-uso ang paglipat ng mga big star sa Kapatid Network.

Nasa ibang bansa si Kris nang pumutok noong December 2013 ang kiyeme-kiyemeng balita na malaki ang chance na mag-ober da bakod siya sa TV5 dahil nag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN noong October 2013.

Walang paglipat na nangyari dahil nang bumalik si Kris sa Pilipinas, nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN kaya nagmalisya ang madlang-bayan na sinadya na palutangin ang tsismis na lilipat siya sa TV5 para maghabol ang Kapamilya Network.

After two years, iba na ang scenario at alam na ng lahat ang nangyayari ngayon sa television career ni Kris na nasa abroad uli ngayon at siguro naman, wala nang lulutang na balita na hinahabol siya ng ganito o ganireng network.

Miss U candidates nag-babu!?

Nag-babu na kahapon sa Pilipinas ang sampung kandidata ng Miss Universe na umapir sa kick off at promo tour ng beauty pageant na magaganap sa bansa natin sa January 30, 2017.

Umuwi muna sa mga sariling bayan ang Miss Universe candidates dahil ipagdiriwang nila ang Pasko at Bagong Taon sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Babalik sa Pilipinas ang sampung kandidata sa January 13, 2017 at ito rin ang araw ng pagdating ng lahat ng official candidates ng Miss Universe.

Hectic ang naging schedule ng Miss Universe delegates na bumisita sa Intramuros, Cebu, at Siargao pero asikasong-asikaso sila ng host committee at ng staff ni Papa Chavit Singson na sinamahan ang mga kandidata sa lahat ng mga appointment.

Ginamit ng mga kandidata ang private plane ni Papa Chavit sa pag-iikot nila sa Pilipinas. Mahigpit ang security sa Miss Universe candidates dahil any moment, baka umeksena ang mga masasamang-loob na gustong sirain ang imahe sa buong mundo ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Show comments