Vina may bagong album din!

MANILA, Philippines – Matapos ang 30 dekada sa kanyang career, ipagpu-prodyus ng DSL Events and Production House, Inc. ang tinaguriang  Timeless Diva na si Vina Morales ng kanyang major concert, ang Vina @ Thirty na magaganap sa Oktubre 14, 2016 sa Kia Theater sa direksyon ni Mr. Johnny Manahan and choreographed by Teacher Georcelle Dapat-Sy ng G-Force.

Ilan lang sa mga highlight ng kanyang career ay ang kanyang pagganap sa afternoon drama series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Napanood din siya sa supporting role in Kapamilya Teleserye Born For You na nagtapos noong Biyernes. Co-host din si Vina sa Sunday noontime variety show na ASAP. Nagbalik-pelikula naman siya sa pamamagitan ng Philippine historical action drama film entitled Bonifacio: Ang Unang Pangulo kasama si Robin Padilla. Ito’y sumesentro sa buhay ng Katipunerong si Andres Bonifacio. Ang pelikula ay naging official entry noong 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Habang ang kanyang acting career ay gumaganda, napanatili pa rin niya ang pagkanta at tuloy pa rin siya sa paggawa ng record albums at pag-perform sa live concerts. Bilang parte ng kanyang ika-30 taon sa show business, ibabahagi meron din siyang bagong album under Star Records.

For ticket reservation or inquiries para sa Vina @ Thirty, please call DSL Events and Production House Office (02) 659 3474, (0918) 563781, (0933) 5198118 or visit DSL webpage at www.dsleventsandproductionhouse.com and Facebook.com/dsleventsandproductionhouse; and Ticketnet (02) 9115555 or visit www.ticketnet.com.ph.

Ang ticket prices ay ang mga sumusunod: SVIP-Php3,180.00; VIP1-Php2,650.00; VIP2-Php2,120.00; Orchestra-Php1,590.00 and Balcony-Php1,060.00

Show comments