MANILA, Philippines – Inaanyayahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2016 MBC National Choral Competition.
Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category.
Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.
Gaganapin ang live audition sa Cauayan, Isabela (September 3), General Santos City (September 10); Dagupan City (September 17); Iloilo City (September 24), Cebu City (October 1); Davao City (October 8); Legazpi City (October 15); and at the Star Theater in Pasay (October 22-23).
Ang mga choir sa iba pang mga lalawigan ay maaring mag-audition sa pamamagitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form. Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-14 ng Oktubre.
May travel subsidy ang mga provincial choir na papasok sa competition proper na gaganapin sa Aliw Theater sa December 6-10, 2016.
Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions.
Maaring magparehistro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa Yes FM Cauayan – 0927.388.8277; Love Radio Iloilo – 0917.501.7070; Easy Rock Cebu – 0917.315.3539; Love Radio GenSan – 0916509.2222; Love Radio Davao – 0917.704.0527; Love Radio Dagupan – 0932.424.4229;’ Love Radio Legazpi 0999.345.6787, o kaya’y mag- email sa siouxstar@gmail.com para sa Mega Manila auditions.siouxstar@gmail.com para sa Mega Manila auditions.