Ilang tulog na lang, Isabelle Mrs. Adrien Semblat na

Isabelle Daza

Ngayong darating na Sabado, September 10, na ikakasal sa isang lugar sa Italy ang engaged couple na sina Isabelle Daza at French business executive na si Adrien Semblat.

Sayang nga lamang at hindi na ito inabutan ng ama ni Isabelle na si Bong Daza na suma­kabilang-buhay last July 14. Pero tiyak na naroon ang ina ni Isabelle, ang kauna-unahang Filipina Miss Uni­verse-turned actress na si Gloria Diaz kasama ang ibang mga mahal sa buhay niya at malalapit na kaibigan including her first cousin na si Georgina Wilson, now four months pregnant sa kanyang British husband na si Arthur Burnand, ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, ang mag-nobyong Anne Curtis at Erwann Heussaff at iba pa.

Kahit bundat na, Rufa Mae hindi na binabanggit ang kasal

Halata na rin ang tiyan ni Rufa Mae Quinto nang ito’y dumalo kasama ang kanyang fiancé na si Trevor Magallanes sa baby shower ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez recently.

Isang beach wedding ang magaganap bago magtapos ang taong kasalukuyan pero wala pang lugar at date at iba pang detalye na ibinibigay sina Rufa Mae at Trevor.

Si Pepsi Herrerra ang gagawa ng wedding gown ni Rufa Mae at ang wedding planner ay si Teena Barretto.

Si Teena ang siyang namahala sa grand wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014.

Francine gusto pa ring mag-showbiz pagkakasal

Ang isa pang couple na ikakasal sa isang island sa Capri, Italy within this month ay ang engaged couple na sina Francine Prieto at ang American molecular biologist na si Frank Shotkoski.

Ayon kay Francine, ipagpapatuloy umano niya ang kanyang showbiz career kahit may asawa na siya at may basbas umano siya sa kanyang magi­ging mister na madalas ding nasa Pilipinas.

Kris at Mr. Tuviera nananahimik pa rin

Marami ang nagtataka kung bakit hanggang nga­yon ay hindi pa rin nagsasalita ang panig ni Kris Aquino at maging ni G. Tony Tuviera matapos silang magpirmahan ng kontrata although ang King of Talk na si Boy Abunda pa rin umano ang namamahala ng mga product endorsements ng ina nina Joshua at Bimby.

Klinaro ni Boy Abunda na wala umanong hiwala­yang nangyari sa kanila ni Kris dahil araw-araw pa rin silang nag-uusap sa telepono at siya (Boy) pa rin ang nakikipag-negotiate for Kris’ product endorsements.

Hangga’t walang opisyal na pahayag si Kris at si G. Tuviera, mananatiling espekulasyon ang lahat na may kinalaman sa paglipat ni Kris sa kuwadra ni G. Tuviera at maging sa Kapuso network.

Erich at Daniel inaabangan kung matutulad kina Jodi at Richard

Magwawalong buwan na ring nasa ere ang top-rating morning TV series na Be My Lady na pi­nag­bibi­dahan ng real sweethearts na sina Erich Gon­za­­­les at Daniel Matsunaga na magkakatulong na pi­­na­­mamahalaan nina Don Cuaresma, Theo­dore Bo­­borol at Roderick Lindayag.

Maulit kaya ng Be My Lady ang tagumpay ng Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Ri­chard Yap na umabot ng mahigit dalawang taon sa ere?

Show comments