Priority ang kalusugan, Sarah hindi na magpi-perform sa MTV Evolution!

MANILA, Philippines – Hindi na pala kasama sa magpi-perform sa MTV Music Evolution na gaganapin sa June 24 si Sarah Geronimo.

Mismong MTV Asia ang nag-confirm sa isang tweet: We are disappointed that due to medical reasons, ?@JustSarahG can’t perform at ?#MTVMusicEvo. We wish her a fast recovery. Health comes first!

Pero tuloy naman sa concert sina James Reid and Nadine Lustre na pangungunahan ng American pop band na One Republic.

Ang SM Mall of Asia Concert Ground ang venue ng MTV Music Evolution.

I’m sure iba naman ang market nito dahil present ang JaDine. Puwede ang mga bata kesa sa Forever Summer kung saan nagkaroon ng trahedya at lima ang namatay.

Andi nakasungkit ng dalawang international pictorial sa Cannes

Wala pang idea si Cannes best actress Jaclyn Jose kung isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) o magkakaroon na lang ng regular run ang pelikulang Ma’Rosa.

“Hindi niya (Direk Brillante Mendoza) maisip kung isasali sa MMFF (Metro Manila Film Festival sa December 25) o kung isasali pa sa ibang festivals abroad. Hindi puwedeng public viewing, ‘di ba?” sagot niya nang matanong kung magkakaroon na ba ito ng commercial exhibition sa bansa.

Hindi rin siya umaasa na porke’t nanalo na siya sa Cannes ay makaka-grand slam na siya sa local award giving bodies.

“Iba naman ‘yung sa award-winning bodies dito. May iba rin silang hinahanap. Hindi naman ibig sabihin na nanalo ako eh, grand slam na ako rito,” esplika ng aktres sa presscon ng A1 Ko Sa’yo sa GMA 7 kung saan siya nakakontrata kaya parang malabong makapag-demand siya ng increase sa talent fee.

Pero ang isang sigurado, nakasungkit ang anak niyang si Andi ng dalawang international pictorial at may ilang foreign producer na nagka-interes sa anak.

Very vocal naman si Jaclyn na kaya siya talaga pumayag sa pelikulang Ma’ Rosa ay para talaga sa anak na si Andi.

Actually, muntik na nga raw siyang umayaw sa pelikulang ito dahil ang gusto ni Direk Brillante ay pumayat siya. Pero sarap na sarap siyang kumain.

Anyway, gastos ng Cannes ang biyahe nila sa France kaya wala silang inalala.

Sharon walang planong padaig kina Lea at Bamboo

Lalarga na sa paghahanap ng bagong singing superstar ang broadway diva na si Lea Salonga, rock superstar na si Bamboo, at ang pinakabagong coach na si Megastar Sharon Cuneta, ang The Voice Kids sa pagsisimula ng isa na namang kapana-panabik na season ngayong Sabado (Mayo 28) sa ABS-CBN.

“Our Top 4 last season was pretty crazy. It’s like, where do we go from here? Ngayon, umiikot kami for special kids na malaki ang potential na mag-improve. Parehas lang naman ang standard namin – you got to have something we can work with, at dapat makita namin na may potential ka na maging champion ng competition na ‘to,” pagbabahagi ni coach Lea.

Susubukan naman ni coach Bamboo na magkaroon ng back-to-back win matapos manalo ang pambatong si Elha Nympha noong nakaraang season. “I’ll try. Hindi ko mako-control ang mga bagay pero I’ll try my best. Yun ang goal ko – to pull out the best from every child and see kung sinong aabot ng finals. Dito sa Pilipinas, madami tayong magagaling na singers. Pero rare ang bata o adult who can connect, na may puso at character.”

Ngunit hindi naman magpapatalo si Mega dahil determinado rin siyang manalo sa kanyang unang season sa programa. “Lahat ng tao sa mundo alam ang The Voice. It is prestigious. Ang maging parte lang ng family na ito, gives you a lot of extra points. Nagdadasal ako na manggagaling sa camp ko ang susunod na champ. Ibibigay ko talaga ang lahat ng meron ako – ang 38 years of experience ko.”

Ngayong Sabado, sisipa na ang blind auditions – ang unang yugto ng kumpe­tisyon – kung saan haharap sa coaches ang mga batang may natatanging talento sa pagkanta mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo.

“So far, may mga nakita na kaming magagaling at talented na boys and girls. They’re not just vocally wonderful but they’ve got some really interesting personalities, which have been entertaining for all of us in the studio,” dagdag ni coach Lea.

Samantala, kitang-kita naman ang chemistry sa pagitan ng tatlong coaches sa kanilang sagutan at labanan para makuha ang artists na inikutan nila.

“I am so grateful to God for the che­mistry. Hindi namin alam kung may ganoon nga sa aming tatlo hanggang nagsimula kaming mag-taping. Tumatawa ang audience, tumatawa kami, we have a lot of fun bantering. Ang sarap nung kasama mo dalawang super pros, experts, and icons. I am so honored to be in such great company,” banggit naman ni Shawie.

“It feels great. It feels at home. Ang sarap ng pakiramdam lalo na sa mga bata na nakuha ko recently. It’s been great and fun so far working with Sharon. It’s fun for me because it’s something different. It’s a change, and change is always good,” dagdag ni Bamboo.

Samantala, pangungunahan naman ang prog­rama ng premier host ng bansa na si Luis Manzano, reality star-turned-host na si Robi Domingo, at ang pinakabagong boses na maririnig sa programa – ang chinita princess na si Kim Chiu.

Sa kanilang pagsasanib-puwersa, sama-sama rin nilang gagabayan ang young artists na sa­salang sa kumpetisyon sa bawat hamong kanilang pagdadaanan upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids Season 3 ngayong Sabado (Mayo 28) sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.                            

Show comments