Kahit galit sa bagong sistema ng MMFF Mother Lily ayaw umepal kay Duterte!
MANILA, Philippines – Isa si Mother Lily Monteverde na very vocal sa pagtutol sa ipinatutupad na bagong patakaran ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na kailangang finished product na ang pamimilian ng bagong mga miyembro ng executive committee ng taunang film fiesta. Ayon kay Mother Lily, hangga’t hindi binabago ang nasabing rule, hindi siya sasali. “Maliit lang naman akong producer. Paano kung hindi mapili ‘yung pelikula namin? Lugi na agad,” sentimyento ng Regal matriarch.
Maaalalang nagkaroon ng imbestigasyon ang Kongreso dahil sa reklamo noon ng pelikulang Honor Thy Father na hindi nakasali sa best picture nomination dahil nga naipalabas na raw sa ibang bansa bago isinali sa 2015 MMFF. Dahil sa nasabing imbestigasyon na hindi naman ipinalabas ang naging resulta, nagkaroon ng pagbabago sa MMFF. Ang nangyari ay napalitan ang mga miyembro ng MMFF na hindi rin naman nagkaroon ng official announcement kung sinu-sino ang mga bagong umupo.
Umaasa si Mother Lily na mababago ang nasabing sistema pagpasok ng pamahalaang Duterte.
Pero ayaw namang mag-effort ni Mother Lily na kausapin ang uupong presidente kahit na nga kilala niya ito at nagbiro nang magkita sila minsan sa isang hotel na bibigyan siya ng kuwarto sa Malacañang bilang ayaw naman daw dun tumira ng bagong uupong president dahil may multo.
Kinausap na umano ni Mother Lily si Ms. Malou Santos tungkol sa nasabing patakaran ng MMFF.
Miss Manila naghahanap ng mga contestant
Muling nagsanib-puwersa ang City of Manila and Mare Foundation together with Viva Live para sa ikatlong taon ng Miss Manila.
Para sa pangatlong taon, hindi lang basta maganda ang hinahanap nila kundi mga magagandang mataas ang social awareness at may tunay na character ng isang Manileña (grace, passion and optimism).
Ang nasabing pageant ay para sa celebration ng Araw ng Manila sa ilalim ng decree ni President/Mayor Joseph Estrada na ang proceed ay magbe-benefit ang Mare Foundation, a non-profit institution headed by chairperson and pageant director Ms. Jackie Ejercito.
Kaya nag-aanyaya sila sa lahat ng mga Manileña na qualified na sumali. Application forms are available www.missmanila.ph on May 25, 2016 (Wednesday) and the deadline of submission will be on June 3, 2016 (Friday) at the Tourism Office, Manila City Hall. Application forms are free of charge. For inquiries, just call – 0917-3559415 and look for Leah Palileo.
Ang mananalo ay tatanggap ng kalahating milyon plus contract with Viva and she wiil represent the City of Manila sa iba’t ibang functions and events.
Dating Miss Manila si Angelia Ong na nanalong 2015 Miss Earth.
Trahedya sa Close Up summer party!
Ginagawan pa ng isyu ng ilan ang nangyaring trahedya sa Close Up Forever Summer last Saturday Night sa MOA.
Apat ang namatay dahil daw sa ininom. Tatlong Pinoy at isang American ang sunud-sunod umanong nawalan ng malay ayon sa mga lumabas sa online news. Ang iba raw ay naka-confine pa.
Agad na may nagtanong kung nasa party ba sina James Reid and Nadine Lustre dahil sa pagiging endorser nila ng Close Up. Pero common knowledge (dahil sa social media) na nasa U.S. concert tour ang JaDine.
At ayon sa isa sa mga nag-organize ng event, walang celebrity na naki-party.
Anyway, narito ang official statement ng Close Up kaugnay sa nangyari.
Closeup and its organizing agency, Activations Advertising, and staging agency, Eventscape, are deeply saddened by the events that transpired on the early hours of May 22, 2016.
We regret that despite the very stringent measures and precautions we have put in place to ensure the safety and security of all attendees involved, this incident still transpired. As such, strict protocols were followed to immediately provide medical assistance, as well as rush all those involved to the nearest hospital where they can receive emergency care.
We extend our deepest sympathies to the families of those who’ve passed away, and commit support in their time of bereavement. Likewise, our efforts are now focused on supporting those needing medical assistance so they may fully recover.
We are fully cooperating with the authorities in the ongoing police investigations.
- Latest