^

PSN Showbiz

Pati BF na young actor kinalasan young star na baguhan nagpapadagdag ng boobs at nagpapaayos ng ilong para magka-career

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Bago sumabak si Michael V. sa kanyang bagong programang Lip Sync Battle Philippines, pinagbakasyon muna niya ang kanyang pamilya sa Japan.

Kararating lang niya nang humarap ito sa presscon kamakalawa ng hapon.

Bago sila umalis ng Japan ay sumakabilang buhay ang direktor nila sa Bubble Gang na si direk Uro dela Cruz kaya nakadalaw pa siya sa burol. Malaking dagok daw ito sa kanila na iniwan na sila ni direk Uro, pero iniiwasan na ni Bitoy na pag-usapan dahil parang hindi raw bagay doon sa presscon lalo na’t excited lahat sa pagsisimula nito sa February 27 na mapapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

PAK : Isang baguhang young star ang balak umalis sa kasalukuyan niyang manager. Balak siyang i-launch ng isang malaking film outfit bilang bagong sexy star.

Ang latest na narinig namin, umalis siya ngayon, out of town dahil doon ooperahan para ipaayos ang ilong at magpadagdag ng boobs.

Maganda si baguhang sexy star, pero lalo siyang pagagandahin. Pursigido siya sa pinasok niyang career kaya gagawin niya lahat para lang sa kanyang launching movie. Tinapos na rin niya ang relasyon sa kilalang young actor para hindi ito makasagabal sa kanyang career.

Sobrang seloso kasi si young actor, kaya mi­nabuti niyang makipaghiwalay para hindi na nila pag-aawayan ang kanyang pagpapa-sexy.

BOOM : Hindi naiwasang itanong kay Jasmine Curtis-Smith sa presscon ng   Panday ang isyu nito sa Snapchat video kay Erwan Heussaff.

Katakut-takot na pamba-bash ang inabot ni Jasmine pero hindi na raw siya naapektuhan. Tinatawag siyang malandi at kung anu-ano pang binibintang sa kanya, pero ayaw na raw niya paapekto dahil hindi naman daw siya kilala nitong mga tumitira sa kanya.

 “Hurtful yes, but I don’t know them personally, they don’t me personally. So, I don’t let it affect me.”

Malapit nang magsimulang mag-taping si Jasmine sa Panday na magsisimula ang airing nito sa February 29.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with