^

PSN Showbiz

Coco walang kapaguran basta para sa pamilya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Kaya tuluy-tuloy ang biyayang natatanggap ni Coco Martin ay dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Ayon sa aktor, hindi siya napapagod magtrabaho alang-alang sa pamilya.

Katunayan, hindi lang siya naging mabuting anak kundi mabuti ring kapatid. Kahit hiwalay na ang mga magulang niya ay maayos ang buhay nila.

Sama-sama silang mag­kakapatid sa mala­king bahay. Nagpaplano rin ang aktor na magtayo ng negos­yo para sa mga ka­patid.

Nagpapa-aral din siya ng mga nakababatang kapatid.

Ogie tiwala sa judges ng Rising Stars

Magsisimula na nga­yong gabi ang Rising Stars Philippines hosted by Ogie Alcasid. Naitanong namin kay Ogie kung wala ba siyang final say sa pagpili ng grand winner.

Sey ng host ‘‘Magaga­ling lahat ng mga judges na sina Nina, Jimmy Bondoc at Papa Jack. Wala akong pakialam sa pipiliin nilang grand winner. Wala akong karapatan dahil naniniwala ako sa galing ng judges. Basta’t ang sinasabi ko lang ay galingan nila at ibigay ang lahat-lahat para manalo.’’

Personal...

Binabati namin si Francia Che Conrado, MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Board Member dahil natanggap nito ang Outstanding Alumni ng University of Nueva Caceres, sa Naga City, Camarines Sur. Siya rin ang Charter president ng QC Matanglawin Executive Lions Club at secretary ng FAMAS Awards.

Si Francia ay maybahay ni Eloy Padua na pa­ngulo ng FAMAS.

BOARD MEMBER

CAMARINES SUR

COCO MARTIN

ELOY PADUA

FRANCIA CHE CONRADO

JIMMY BONDOC

MATANGLAWIN EXECUTIVE LIONS CLUB

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with