Hindi naman pagtatakhan kung bakit patuloy ang mabilis na pag-usad ng career ni Jasmine Curtis-Smith. Dedicated siya sa kanyang trabaho at ayaw niyang pansinin ‘yung mga bagay na humahadlang sa kanyang growth as an artist. Katwiran niya makapagbibigay lamang ‘yun ng mga negatibong bagay na maaaring humatak sa kanya pababa. Tulad ng pagpatol sa hanggang ngayon ay ayaw pa ring matigil na pamba-bash sa kanya dahil lamang sa naugnay siya at nakasama niya sa isang proyekto si Daniel Padilla. Mabuti lamang at nang mangyari ito ay mayro’n siyang karelasyon kaya walang makapagbibintang sa kanya na nang-aahas siya ng dyowa ng iba.
Pero hindi rin naman natin masisi ang young actor ma-attract sa kanya. After all, bukod sa maganda ay matalino rin at mabilis natututo sa kanyang trabaho ang aktres. Para saan pa at nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa Transient kung hindi niya ito mapapangatawanan at masusundan pa ng award? At kung pagbabasehan ang husay na ipinamalas niya sa movie na Dimentia na nagtatampok kay Nora Aunor, aba eh nasa magandang posisyon siya. Magaling siya sa nasabing movie. Sa ganda ng mga ginagawa niyang proyekto, mukhang mabilis niyang makakaagapay sa kanyang Ate Anne.
Bedazzled show sa Club Mwah magdadagdag ng repertoire
Magdaragdag sa kanilang repertoire ang mahigit isang dekada nang ginaganap na Bedazzled show ng Club Mwah sa kanilang ika-11 anibersaryo. Pawang mga excerpts ng popular Broadway shows ang kanilang gagawin tulad ng Phantom of the Opera, Miss Saigon, Chicago at marami pang iba.
Ang walang kapagurang Follies de Mwah ang muling maghahatid sa kanilang mga kliyente ng mga nasabing palabas na binigyan ng bagong choreography ng kanilang creative director at performer na si Cris Nicolas.
Mga bagong performer din ang masasaksihan ng mga manonood na pawang mga kabataan at sumailalim sa masusing pagsasanay. Bago din ang mga costume na fully beaded at props na talagang hahangaan mo sa kanilang magandang pagkakagawa.
Ang bersyon ng Follies de Mwah ng Singkil ang isa sa pinakamaganda na mapapanood dito sa ating bansa. May twist din na inilagay si Cris Nicolas sa sayaw na nagpapakilala sa Pilipinas sa ibang bansa. Bukod sa Singkil may dalawa pang Filipino dance na idinagdag na mapapanood ngayong buwan ng selebrasyon ng ika-11 taong pagkakatatag ng Club Mwah.
Tumatanggap din ang Club Mwah ng mga events tulad ng birthdays, anniversary, seminars, wedding receptions, product launchings, concerts, at maraming pang paparty. Puwede ring madala ang Follies de Mwah sa mga okasyon at palabas sa out of town at maging out of the country. Maraming dignitary na ang nakasaksi sa mga palabas sa Club Mwah na nagnanasang mai-promote rin ang bansa sa pamamagitan ng mga local na sayaw na nadagdag ngayon sa kanilang repertoire. Maaring tumawag sa 5357943 o 5322826 for reservation.