^

PSN Showbiz

Aktor wagi sa pang-iinis sa ex-wife na aktres

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinasadya pala ng isang aktor na hindi pansinin ang mga pino-post sa social media na pasaring against him ng kanyang estranged wife.

Feeling ng mga malalapit sa aktor, lalong naiinis si estranged wife na isang aktres dahil dedma lang si aktor sa mga patutsada nito.

Kahit inuusisa nga raw si aktor tungkol sa mga patutsada ng estranged wife against him, pangiti-ngiti lang si lalaki.

“Wala, dedma lang si _____ (palayaw ng aktor), kaya siguro si _____ (palayaw ng aktres), lalong naiinis!” sey ng isang malapit kay aktor.

Paulo nagsimula na sa sinalong serye kay Xian

Nagsimula nang mag-taping si Paulo Avelino para sa seryeng Bridges of Love, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan dapat ni John Lloyd Cruz, pero napunta kay Xian Lim na balitang hindi “napiga” ang acting sa isang eksena kaya tsinugi at ang kinabagsakan nga ng proyektong ‘yon ay kay Paulo.

Hindi nagkokomento ang kampo ni Paulo sa pagkakasali niya sa proyektong Bridges.

Kahapon, nag-try akong tanungin ang handler ni Xian sa Star Magic, sa kumare kong si Gidget dela Cuesta, pero hindi ko siya nakausap kaya hindi ko nalaman kung may bago na bang teleserye sa Kapamilya network ang tsinitong aktor. Pero narinig ko na may balik-tambalan sila ni Kim Chiu.

Pero halatang kinikilig Janella pakipot pa kapag natatanong kina Marlo at Manolo

Sa Lunes na ang pilot telecast ng bagong morning series ng ABS-CBN, ang Oh, My G!

Ang Oh, My G! ang regular series na papalit sa timeslot ng successful morning series ng Kapamil­ya network na Be Careful With My Heart.

Ang pansamantalang pumalit sa timeslot ng pinagbidahang morning series nina Jodi Sta. Maria at Ri­chard Yap ay ang tatlong episodes ng Christmas-serye na ang last episode ay pinagbibidahan nina KC Concepcion at Paulo Avelino na magtatapos ngayong Biyernes.

Hoping si Janella Salvador na magki-click ang u­nang daily series na siya ang bida bilang si Sophie na kahit paano raw ay may hawig sa role niya noon na Nikki na anak ni Ser Chief sa Be Careful With My Heart.

Sa dalawang leading men niya na sina Marlo Mortel (na nakasama rin niya sa Be Careful With My Heart) at Manolo Pedrosa, ang dialogue ni Janella ay wala siyang crush sa kanila, pero obviously naman na parang kinilig siya nang tanungin ko tungkol sa dalawa.

Anyway, ayon sa mga taga-ABS-CBN, nabuo raw ang Oh, My G! dahil sa request ng Carmelite nuns sa presidente ng TV network na si Ms. Charo Santos-Concio na gumawa ng series na ang istor­ya ay inspired by the teaching of St. Teresa of Avila. Pero hindi naman daw sobrang religious show ang dating ng nasabing morning series.

Wala rin daw silang magiging problema sa simbahang Katolika sa Oh, My G! dahil kasama ang Carmelite nuns sa creative meetings ng show, ayon sa direktor na si Roni Velasco na siya ring hu­mawak noon sa Pure Love na isa ring hit series ng Kapamilya network.

vuukle comment

AKTOR

ANG OH

BE CAREFUL WITH MY HEART

BRIDGES OF LOVE

MY G

PAULO

PAULO AVELINO

PERO

SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with