MANILA, Philippines - Ngayong Kapaskuhan, napipilitan at napi-pressure tayo na maging mas maganda at sexy sa paningin ng ibang tao dahil sa kabi-kabilang parties, reunions, at event na halos araw-araw nating dinadaluhan. Masayang makipag-bonding at kulitan sa mga kaibigan natin pero ang hindi lang masaya ay ang pagpuna nila na mukha tayong pagod at tumanda na nang husto dahil nga sa stress at pagka-busy sa trabaho.
Pero hindi rin naman magtatagal ay mararanasan din natin ang mga maiitim na dark eyebags sa ating mga mata at ang mga katakut-takot na wrinkles sa mukha. Pero ang magandang balita ay puwede na itong masolusyunan.
Ngayong Linggo sa Salamat Dok, ang beauty guru na si Dra. Vicki Belo ay pakikitaan tayo ng tatlong magkakaibang treatment para mapanatiling maganda at fresh-looking ang ating mukha.
Sasamahan si Dra. Vicki ni Dr. Vic Lopez ng Belo Medical Group na magdi-demo ng Blepharoplasty, na solusyon ng Belo para sa problema ng droopy eyes or hideous eyebags. This bloodless surgery uses a state-of-the-art carbon dioxide laser para tanggalin ang excess skin or fat that cause those bags under the eyes makes the eyelids droop with minimal bruising and swelling.
Ang Botox Masseter naman ay isang treatment that keeps skin unwrinkled for a longer period of time. Target nito ang ilang facial muscles to prevent them from contracting-this ensures that folds do not appear on the face where you don’t want them, while at the same time napananatiling normal ang facial expression.
Ang Meso-Botox naman ay isang treatment that may also be applied sa ibang parte ng katawan where skin and muscles are thinner. Meso-Botox helps skin become tighter and smoother: it reduces fat secretion and shrinks pores, making the skin look visibly healthier and fresher, and causing an “eye-opening” and overall lifting effect.
Sa tulong ng makabagong procedures na ito, mapananatili natin ngayong holiday season ang ating beautiful and glowing face.
Panoorin ang Salamat Dok sa Linggo, December 21 at 7:30 ng umaga sa ABS-CBN, with simulcast on ANC.