Para namang lahat ng may gusot na Kapamilya ay tinutulungan ni Kris Aquino para maipanalo ang kaso nila. Kasi pati si Deniece Cornejo ay pinagbibintangan ang presidential sister na may kinalaman sa pagbabasura ng korte sa inihain niyang rape case laban kay Vhong Navarro. Bakit hindi niya isipin na kung talagang may sey si Kris at nakikialam, makakapagpiyansa pa kaya sila?
Mark at Yasmien hands-on sa pag-aalaga ng mga anak
Hitsurang mga stage parents sina Mark Herras at Yasmien Kurdi sa birthday ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence. Sila mismo ang umalalay sa kalikutan ng kanilang mga anak, lalo na ang Kapuso actor na talagang proud sa kanyang baby girl.
Paolo kailangang mas maging maingat
Nakalabas na ng ospital si Paolo Ballesteros na hindi inakala ninuman na hindi pala 100% healthy. Kaya Paolo, konting iwas sa matatabang pagkain. Iwas na rin sa pag-inom. Napakasarap mabuhay sa mundo lalo’t may magandang karera na tulad mo.