^

PSN Showbiz

Pag-restore ng classic Filipino films, kinilala sa ibang bansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang ginagawang pagre-restore ng ABS-CBN ng  Pinoy classic films. Pinagkalooban sila ng Award of Excellence mula sa prestihiyosong In­ternational Gold Quill Awards 2014 para sa film restoration campaign nito na naglalayong mapanumbalik ang kalidad ng classic Filipino films at muli itong ipakilala sa kasalukuyang mga manonood.

Tinanggap ni ABS-CBN head of Content Ma­nagement Group, Film Archives & Special Projects na si Leo Katigbak ang parangal mula sa International Association of Business Communicators sa ginanap na IABC Gold Quill Awards Gala sa Toronto, Canada.

 â€œKakaibang antas ng husay ang ipinamalas ng mga ka­la­hok ngayong taon kaya naman ipinagmamalaki namin na ma­pabilang sa listahan ng mga nag­wagi at maging isa sa mga kinatawan ng bansa,” sabi ni Katigbak.

Isinusulong ng ABS-CBN Film Archives ang pag-restore at gawing high definition (HD) format ang mga mahahalagang titulo sa kasaysayan ng Philippine cinema para maipamalas at maipapanood pa sa susunod na mga hene­rasyon. Sinumulan ito noong Oktubre 2011, sa pakikipagtulungan sa Central Digital Labs, sa pe­likulang  Himala ni Ishmael Bernal.

Matapos ang matagumpay na pag-restore ng Himala, ipinalabas uli ito sa pamamagitan ng telebis­yon, cable, si­ne­han, pay-per-view, at DVD. Naimbitahan pa ito sa pretihiyosong 69th Ve­nice Film Festival.

Ginamit ang parehong stratehiya sa iba pang pe­­likulang ni-restore tulad ng Oro, Plata, Mata at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?

“Mahusay na sinalamin ng tatlong pelikulang ito ang kultura at uri ng lipunang mayroon ang mga Pilipino noon. Hindi lang natin ito dapat pangalagaan kung hindi’y dapat masalin din sa digital format para na rin sa kapaka­nan ng susunod na henerasyon ng mga ma­nonood,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Katigbak, malayo pa ang tatakbuhin ng restoration project lalo pa’t marami pang classic Filipino films ang nakatakdang i-restore sa mga susunod na taon tulad ng Virgin People, Hindi Nahahati Ang Langit,  at Karnal.

AWARD OF EXCELLENCE

CENTRAL DIGITAL LABS

CONTENT MA

FILM ARCHIVES

FILM FESTIVAL

GANITO KAMI NOON

GOLD QUILL AWARDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with