Confessions of A Torpe humahataw sa rating

MANILA, Philippines - Tinututukan at pinag-uusapan sa social media ang romantic comedy series ng TV5 na Confessions Of A Torpe lalo pa’t papalapit na ang finale nito ngayong Biyernes (June 20).

Pinagbibidahan ng mga Kapatid stars na sina Ogie Alcasid, Alice Dixson at Gelli de Belen, usap-usapan na sa social media kung sino dapat ang makatuluyan ng bidang si Tupe (Ogie Alcasid): ang kanyang dream girl and long time muse na si Monique (Alice Dixson) o ang kanyang best friend at forever confidant na si Luz (Gelli de Belen).

Gamit ang mga hashtags na #TeamMonique at #TeamLuz, dagsa ang mga komento ng mga fans sa Facebook at Twitter patungkol sa kanilang mga opinyon kung paanong magtatapos ang nasabing Kapatid series.

Samantala, base sa datos mula sa Nielsen Media, mas ma­rami pa ang tumututok sa Confessions Of A Torpe. Naka­mit ng rom-com series ang pina­kamataas na rating nito last week at inaasahan pa ng Ka­patid network na mas marami pa ang manonood hanggang sa finale nito sa Biyernes.

Show comments