SEEN: Lumipad sa Los Angeles, California si Dionisia Pacquiao upang suportahan ang kanyang anak na si Manny Pacquiao sa laban nito kay Timothy Bradley sa April 12 sa MGM Grand Arena, Las Vegas.
Mapapanood sa Pilipinas ang live telecast ng Pacquiao-Bradley fight sa April 13.
SCENE: Miss na miss na ni Manny Pacquiao ang misis na si Jinkee na panonoorin na lang sa TV ang laban ng kanyang asawa.
Hindi puwedeng bumiyahe sa Amerika si Jinkee dahil malapit na niyang isilang ang 5th child nila ni Manny.
SEEN: Ayaw ng kampo ni Ejay Falcon na inili-link siya kay Vice Ganda. Nababahala ang kampo ni Ejay sa tsismis na boyfriend siya ni Vice Ganda.
SCENE: “JaDine†ang tawag ng fans nina James Reid at Nadine Lustre sa love team ng mga bida ng Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films.
SEEN: May mall show ngayon, April 5, sa SM Sta. Rosa, Laguna ang cast ng Diary ng Panget. Bukas naman ang mall show nila sa SM Taytay.
SCENE: Nakakatawa at hindi trying hard si Candy Pangilinan sa role niya bilang mataray na mayordoma sa Diary ng Panget.
SEEN: Dapat nang huminto si Sen. Nancy Binay sa pagpapainÂterbyu tungkol kay Vice Ganda para hindi siya maakusahan na nagiging showbiz na showbiz.
SCENE: Magre-retire na ang veteran American TV host na si David Letterman. Hanggang 2015 na lamang ang kanyang talk show na Late Night sa CBS.
Tumagal ng 22 years ang show ni David.